Angeline Quinto speaks up on real score with Erik Santos

Angeline Quinto says that there is nothing going on between her and Erik Santos.

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

6/17/2014 9:25 AM
Angeline Quinto speaks up on real score with Erik Santos


061714-angeline_main3.jpgSa panayam kay Angeline Quinto, ibinahagi ng singer na abala siya ngayon sa paggawa ng pelikula. “Ngayon po may ginagawa akong movie with Assunta de Rossi and Angelica Panganiban. Under Quantum Films and Star Cinema din, actually comedy ito kaya nag-eenjoy ako sa movie na ginagawa namin. Excited din talaga ko sa mga katrabaho ko at the same time po na third album ko na Angeline Quinto: Higher Love yun pa rin po ang pino promote ko sa mga mall shows ko.”

Pagdating naman sa kanyang buhay pag-ibig, matagal nang usap-usapan kung ano ba ang tunay na estado ng kanyang relasyon kay Erik Santos. Inamin na nito sa kanyang mga panayam na espesyal sa kanya ang kapwa singer, kaya naman nang muli silang kamustahin, “Ayan na naman tayo eh. Kami ni Erik, okay naman kami ni Erik Santos. Medyo busy lang kasi yung tao kaya hindi kami masyadong nagkakasama lately. Ang pinaka-kita naming [sa] ASAP po.”

At dahil sa sagot niyang ito, natanong kung nagkaroon ba ng tampuhan ang magkaibigan para hindi sila masyadong magkasama kumpara nung dati. “Hindi naman. Wala namang ganun. Si Ate Kris (Aquino) lang naman ang nagsabi niyan. Kasi nag-guest kami pareho sa Kris TV e live yun. Alam mo naman si Ate Kris kung ano ang maitanong, itatanong nun e. So akala niya po may tampo kaming dalawa kasi the time na pinapaupo niya ako sa tabi niya., e katabi niya si Erik ang sabi ko huwag muna kasi hindi na kami kasya sa upuan so akala niya may something po between Erik and ako. So sabi ko wala, sabi ko okay kami ni Erik Santos.”

Lumabas din sa mga balita ang pagtanggap ng isang manliligaw ni Angeline. “Totoo po na may inentertain po akong ibang lalaki pero kasi alam naman din ni Erik yun. Sa totoo nga nung unang nagbibiruan pa kami na mas gwapo siya dun, e totoo naman na mas gwapo siya dun pero nag-enjoy naman ako ka-date yung isa. Pero kami naman ni Erik e mabuting magkaibigan.” Nilinaw ni Angeline na hindi ito ang dahilan na nagkaroon sila diumano ng tampuhan at nang matanong kung nagselos ba si Erik sa nanliligaw sa kanya, “Hindi naman.”

Kaya naman nang kumpirmahin muli kay Angeline kung talaga nga bang nanligaw sa kanya si Erik, “Hindi naman po, pero minsan dating din.” Sa lahat ng ito iginiit ni Angeline na mas importante pa rin ang pagkakaibigan na namamagitan sa kanilang dalawa ni Erik. Aniya, “Pero para sa amin kasi ayaw naming madaliin kasi natatakot ako na mawala yung friendship naming kasi napaka-close namin.”