• Home
  • Fresh Scoops
  • Pauleen Luna, thankful sa pagtatanggol sa kanya ni Dina Bonnevie

Pauleen Luna, thankful sa pagtatanggol sa kanya ni Dina Bonnevie

BY EJ SALUT

FRESH SCOOPS

6/15/2014 6:43 PM
Pauleen Luna, thankful sa pagtatanggol sa kanya ni Dina Bonnevie


061514-darla.jpg
Pinag-uusapan ngayon ang mga nabitiwang salita ni Dina Bonnevie patungkol sa relasyong Vic Sotto at Pauleen Luna, nang ma-corner siya ng press during the media launch of her new teleserye, ang Sana Bukas Pa Ang Kahapon na mapapanood sa ABS-CBN Primetime Bida simula bukas.

“Probably a lot of people judge Pauleen na, 'Parang bata 'yan. How can she fall in love with a sixty-year-old? C'mon, parang it's next to impossible. Pero hindi natin puwedeng ma-judge yung tao eh. Iniisip ko na lang na parang through all this she has to deal with Danica, with Oyo, with Vico and Paulina and that’s not an easy task to do. So the mere fact na nandyan siya eh di it must be something,” pahayag ni Dina patungkol sa May-December love story ng dalawa.

Napuna rin niya ang “mahirap” daw na sitwasyon ngayon ni Pauleen, na kasama pa sa noontime show na Eat Bulaga ang dating karelasyon ni Vic na si Pia Guanio.

Pero ewan ko, nandoon pa ba si Pia sa Eat Bulaga? Can you imagine na nandun pa yung ex-girlfriend slash I-don't-know-what... ang hirap! Parang sa loob-loob ko, 'Oh, my God, why not one of them resign? Ano ba! The mere fact that she’s there, maybe it’s not right for people to judge her that she’s not sincere. Kasi some people would say ah she’s after the money pero can you imagine, the mere fact na nandun pa siya A for effort yun. Hindi naman madali ‘yun.”

Tinext ko si Pauleen para kunin ang kanyang reaksyon sa mga naging pahayag na ito ni Dina, for airing on The Buzz. At ito ang ipinadalang statement ng TV host-actress :

“My situation is a simple example of ‘the people who know you the least, judge you the most.’ That’s why I am thankful for Ms. Dina who knew what I was going through and spoke the truth. I truly appreciate the fact that she sees my efforts. I am grateful for her kind words and most especially for respecting my relationship with Vic. I am truly humbled.”

Thank you so much Pauleen for always trusting me. Love you friend!