Sunday Specials: Angat Ang Tatay Ko!

BY EJ SALUT

FRESH SCOOPS

6/14/2014 10:52 PM
Sunday Specials: Angat Ang Tatay Ko!


Tuloy- tuloy pa rin ang celebration natin ng Father’s Day dahil ngayon we give tribute sa mga iconic celebrity dads na alam nating kakaiba ang naging role nila bilang tatay sa kanilang mga pamilya. Pumili kami ng Top 5 celebrity dads na siguradong agree naman kayo sa amin bakit namin nasabing one of a kind sila.

Ramon Revilla, Sr.

012911-agimat_main.jpg

Siguradong maraming babati sa ng Happy Father’s Day sa ating unang iconic dad na si Ramon Revilla Sr. (Jose Acuna Bautista sa totoong buhay), na isang veteran actor and former Senator. Isa sa masasabing pinakamaraming anak na umabot to more than 80 pero according sa mga balita, 38 lamang ang nagdadala ng kanyang pangalan. Ang ilan sa mga kinikilalang mga anak niya ay sina Evelyn Bautista-Jaworski (asawa ng basketball legend at former senator din na si Robert Jaworski), Marlon Bautista, Rowena Bautista-Mendiola, Jose Marie Bautista (Bong Revilla), Rebecca Bautista-Ocampo (Princess Revilla), Edwin Bautista (Strike Revilla), Andrea Bautista-Ynarez, and Dianne Bautista May siyam na anak din siya kay Genelyn Magsaysay at kabilang dito ang namayapang actor na si Ramgen Revilla. Kahit marami siyang naging anak sinigurado niya na dapat pantay-pantay ang pag trato niya sa mga ito.

German Moreno

010512-kuyagerms_main.jpg

Hindi man siya naging isang ama, sinigurado ni German Moreno o Kuya Germs na magluwal sa mundo ng talented na mga artista dahil sa variety show niyang That's Entertainment na umabot sa higit na isang dekada sa telebisyon. Ilan sa mga showbiz children na naproduce niya at hinangaan nating lahat ay sina Francis Magalona, Lotlot de Leon, Billy Crawford, Aiko Melendez, Ruffa Gutierrez, Carmina Villaroel, Lea Salonga, Vina Morales at marami pang iba. Dahil ang pagiging ama ay hindi lamang biological kundi sa pagmamahal at bokasyon na pinili ng isang tao kagaya ni Kuya Germs

Robin Padilla

102111-robin_main.jpg

Paano kaya maging tatay si Robin Padilla? Paano siya maglatag ng rules lalo na sa mga dalaga niyang anak na sina Queenie and Kylie na parehong artista rin? Noong presscon ng Sa Ngalan Ng Ama, Ina At Mga Anak, na pinagbibidahan ng pamilyang Padilla na kwento ng kanyang mga anak na cool na dad si Robin kahit tinanghal siyang Bad Boy of Philippine Cinema. At nakwento ni Mariel Rodriguez Padilla, ang asawa ni Robin, na sa sobrang cool niya ay tinuruan niyang gumamit ng baril ang mga anak niya at self defense para protektahan ang mga sarili nila. 

Dolphy

062012-dolphy_main.jpg

Hindi pwedeng mawala ang King of Comedy na si Dolphy pagdating sa usapin ng tatay lalo na’t marami na siyang ginampanan na mga tatay role na minahal natin kagaya ng John Purontong sa John En Marsha at ang iconic na Kevin Kosme sa Home Along Da Riles. Marami din naging anak si Dolphy pero hanggang sa kanyang pagpanaw, walang ibang sambit ang kanyang mga anak kundi gaano kabuti ng kanilang ama at hindi sila napabayaan. Tulad ng kanyang mga roles sa TV, tinotohanan ni Dolphy ang pagiging responsableng ama sa kanyang pamilya. 


Iyan ang top 4 namin na celebrity daddies. Kayo, ano ang unique sa dad ninyo? Share mo na sa amin mga Kapamilya!