• Home
  • Fresh Scoops
  • Piolo Pascual and Gerald Anderson team up to promote Filipino athleticism

Piolo Pascual and Gerald Anderson team up to promote Filipino athleticism

Piolo Pascual and Gerald Anderson will host a TV show to help Filipino athletes who are on need of support.

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

6/14/2014 12:10 AM
Piolo Pascual and Gerald Anderson team up to promote Filipino athleticism


061414-piolo_main.jpgMatapos ang unang pagsasama sa pelikula nina Piolo Pascual at Gerald Anderson na OTJ, muling magsasama ang dalawa ngayon naman sa isang sports show sa ABS-CBN Sports Channel, ang Team U na ipapalabas na sa June 15. Kasama ang ilang mga eksperto sa larangan ng palakasan, layunin ng programa nina Piolo at Gerald na matulungan ang mga kabataang mahilig sa sports na makakuha ng tamang training at mga pangangilangang kasama dito.

Ayon kay Piolo, “We just want to deal with the stories of the athletes’ lives and also the coaches’ and how it can better improve not just the training but yung exposure lang of what they need. There is also a call to action after each episode because we want to be able to reach out to more schools and to more athletes and to also explore what they need para we can also help them.”

Sa programang ito, hindi lang sila mga hosts. Ayon kay Gerald, “Kasi part kami talaga. We are part of the creative process, of the production team and we meet with everyone basta it’s a good experience.”

Sa katunayan ay first-time producer si Gerald ng programang ito. Kaya naman sa tanong ng Push kung umpisa na ba ito ng kanyang pagpo-produce pa, pelikula man o telebisyon, sa hinaharap, “Ito kasi first time ko mag-produce and I am still learning the ropes. Unti-unti, araw-araw, I take it day by day.”

Dahil sa tagumpay ng unang nilang proyekto, umaasa silang magiging maganda din ang kalalabasan ng TV show na ito. “Sana, sana. I guess it all starts with a passion, a passion to do something worthwhile and since its landed on our laps, might as well make use of it, make use of your influence,” ang sabi ni Piolo.

Dagdag naman ni Gerald, “Katulad ng sinabi ko kanina ito yung way para ma-feed yung passion naming when it comes to sports. Like sinabi ni Piolo, it’s not just about us, in a way gusto ko din maging selfish kasi sobrang nag-eenjoy ako e. I love doing this, I love sports so parang yun, it’s a vehicle para sa akin.”

May nais din sabihin sina Piolo at Gerald tungkol sa pagsasa-puso at pagsasa-isip ng ating kalayaan at ng ating pagiging Pilipino. Para kay Piolo, “I guess it’s important for us to know our history, especially for the kids and you do that in school. As early as grade school it’s important for us to be patriotic and for us to know our roots. So it’s a very important reminder for us every Independence Day to be reminded that it is our freedom and our right to be Filipinos and whatever else we need to know.”

Dagdag naman ni Gerald dito, sa panahon ng mga pagsubok na kinakaharap ng ating bansa, “Kailangan natin isipin yung mga good things, yung mga magagandang nangyayari sa atin ngayon so lets just focus on that.”