Ellen Adarna says she wanted Kris Aquino to adopt her

Ellen Adarna reveals she wants to be like Kris Aquino and she wants Kris to be her mother.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

6/13/2014 10:40 AM
Ellen Adarna says she wanted Kris Aquino to adopt her


061314-ellen_main.jpgSa Aquino and Abunda Tonight, masayang nakakwentuhan ng mga hosts ng show si Ellen Adarna. Si Ellen ang gumaganap bilang Dra. Tamara sa Moon of Desire at kasama rin siya sa pelikulang My Illegal Wife.

Una, pinabulaanan ni Ellen ang pagsabi na willing siya ipagpapalit ang kanyang nobyo para kay JC De Vera. “I never said that,” sabi ng aktres.

Tinanong siya ni Boy Abunda kung ano ang reaksiyon niya kapag tinatawag siyang pantasya ng kalalakihan. Sinabi ni Ellen na flattered siya at hindi siya bothered. Ngunit sa katotohanan daw ay, “this is just an act.” Kapag nasa bahay ay lagi lang siyang naka-paa. “Laid back lang na parang batang yagit.” Lumaki daw siya sa Cebu kaya, ”Probinsiya talaga.”

Hindi rin issue kay Ellen ang kanyang video na naging viral sa social media kung saan wala siyang bra at nagbo-boxing siya. Alam din ito ng kanyang boyfriend. In fact, nandun ang kanyang boyfriend nang i-shoot ito ng kaibigan ni Ellen. Ang nasabing video ay gagamiting materyales ng kanyang kaibigan para sa film school. Hindi rin diumano nila alam na magiging viral ito.

Hindi rin konserbatibo ang pamilya ni Ellen at sa pamilya diumano niya, sinisipa na sila palabas ng bahay kapag 18 years old na sila. Ayon pa kay Ellen, naging rebelde din siya noon sa pamilya niya.

Inamin ni Ellen na dream niya noon at ng kanyang best friend na maging nanay si Kris Aquino. Malimit diumano nilang sinasabi na, “Kris Aquino, please adopt us!”

Sagot naman ni Kris, “Papayag ako maging daughter kita, that means 16 ako nagka-anak, why not?” Natuwa si Kris dahil agad sinundan ang kanyang pahayag ng thumbs-up sign mula sa kanyang anak na si Bimby.

Nang tanungin siya ni Boy kung sino ang babae na gusto ni Ellen tularan, itinuro ni Ellen si Kris. Obserbasyon ni Boy, baka nakaka-identify si Ellen sa pagiging “outspoken” ni Kris.