Ang Tatay kong Basketbolero

BY EJ SALUT

FRESH SCOOPS

6/14/2014 1:12 AM
Ang Tatay kong Basketbolero


main-fathersday.jpg
Nalalapit na ang araw para sa mga haligi ng ating tahanan. Ang hirap nga naman maging isang ama dahil maraming responsibilidad ang ka-akibat nito kung kaya naman nararapat lamang na tayo’y magbigay pugay sa kanila. Madalas nating pinapanood sa TV ang mga barakong ito dahil pagdating sa basketball ay sila’y maituturing na mga halimaw sa galing. Pero sa kabila ng kanilang pagiging abala sa PBA, nagagawa parin nilang maging responsableng ama at asawa para sa kanilang pamilya. Silipin kung sinu-sino ang mga tatay na barako sa court pero pusong mamon pagdating sa bahay.

1. Alvin Patrimonio
1.jpg
2.jpg
3.jpg
Si Alvin o mas kilala bilang “The Captain” o “Captain Lionheart” ay isang PBA player na nag retiro na. Siya dati ay naglalaro para sa team na San Mig Coffee Mixers. Maituturing din siyang PBA Legend at kahit na  siya’y tumigil na sa paglalaro, naging team manager naman si Alvin ng naturang team. Siya ay isang ama sa apat na anak na sina Angelo, Christine, Clarice at Asher at isang mapagmahal na asawa kay Cindy Conwi. Sa katunayan sila ay nagpakasal muli noong kanilang silver wedding anniversary at iyon ang unang beses nilang maglakad sa altar dahil sila’y nagpakasal lamang sa huwes noong March 8, 1989. Bagamat siya’y maraming pinagkaka abalahan, nagagawan parin niya ng oras na maka bonding ang kanyang mga anak. (Image source: http://instagram.com/p/o2YiyhwuD6/, http://www.youtube.com/watchv=4m8Y-cdZ8X, http://www.youtube.com/watch?v=4m8Y-cdZ8Xs)

2.Jean Marc Pingris
4.jpg
5.jpg
Si Marc Pingris ay ikinasal kay Danica Sotto na anak nina Vic Sotto at Dina Bonnevie. Sila ay may dalawang anak, si Mik na 5 years old at si Kayla na 2 years old pa lamang. Siya ay isang propesyonal na PBA player para sa San Mig Coffee Mixers. Kahit sila ni Danica ay 7 years nang kasal, sila parin daw ay gumagawa ng panahon para mag date. Ulirang ama kung maituturing si Marc dahil ayon sa isang interview kanyang sinabi na gagawin niya ang lahat para hindi maranasan ng kanyang mga anak ang hirap na naranasan niya noon. (Source: http://www.philstar.com/entertainment/2014/04/29/1317221/marc-pingris-hardcourt) (Image source: http://instagram.com/p/oD8HruPJqh/, http://instagram.com/p/lKDqz6vJp6/)

3. Rich Alvarez
6.jpg
7.jpg
Si Rich Alvarez ay isang propesyonal na manlalaro ng PBA at naglaro sa team ng Talk ‘N Text Tropang Texters. Siya ay ikinasal kay Kyla, isang R&B singer-songwriter. Sila ay ikinasal noong Nobyembre 28, 2011 at ngayon ay may isa silang anak at siya ay si Toby. Parehas man na abala sa trabaho ang mag asawa, nagagawan  parin naman nila ng paraan na sila’y magka-family bonding. Mahilig silang pumasyal at bumyahe sa iba’t-ibang mga lugar at syempre kasama ang kanilang anak na si Toby na kama-kailan lang ay nagdiwang ng kanyang unang kaarawan at labis na natutuwa ang mag-asawa. (Image source: http://instagram.com/p/nu4zZWS3J7/, http://instagram.com/p/cQmdSoLg9Q/)

4. James Yap
8.jpg
9.jpg
Si James Yap ay isang propesyonal na manlalaro ng PBA para sa team na San Mig Coffee Mixers. Siya ay dating kasal sa Queen of All Media na si Kris Aquino, nagbunga ang kanilang pagmamahalan ng isang anak at siya ay si James Yap Jr. na mas kilala bilang si Bimby. Naghiwalay man ang dalawa, patuloy parin ang pag ganap ni James bilang ama sa anak at pati na rin sa panganay na anak ni Kris na si Josh.  May sarili nang buhay si James at si Kris pero hindi ito naging hadlang upang maging ama ang cager sa anak na si Bimby. Hindi man sila magkasama palagi, gumagawa naman si James ng paraan upang magkaroon sila ng bonding mag-ama. Tuwing sila’y nagsasama, sinusulit nito ang bawat oras dahil ganoon na lamang ang halaga ni Bimby para sa kanya. (Image source: http://instagram.com/p/o0NU77p6wu/, http://instagram.com/p/leARa1J68H/)

5. Doug Kramer
10.jpg
Si Doug Kramer ay isang propesyonal na manlalaro ng PBA para sa team na San Miguel Beermen. Siya ay kasal kay Cheska Garcia na isa namang artista at may tatlo silang anak – sina Clair Kendra, Scarlette Louvelle at Gavin Phoenix. Mas kilala sila bilang #TeamKramer sa social media. Si Doug ay isang hands on dad sa kanyang mga anak sa kabila ng pagiging abala nito sa paglalaro. Minsan rin ay nagkakaroon ang mag asawa ng date kapag may libreng oras. Madalas silang may mga videos at pictures sa kanilang Facebook page at makikita rin kung paano niya alagaan ang kanilang mga anak. Maraming umiidolo kay Doug dahil siya man daw ay isang tough guy sa court, pusong mamon naman ito pagdating sa kanyang mga anak at asawa. (Image source: http://instagram.com/p/m7TxWRLjNB/, http://instagram.com/p/oqSj7XrjHx/)