• Home
  • Fresh Scoops
  • Kris Aquino says she would buy a “city” if she were as rich as Manny Pacquiao

Kris Aquino says she would buy a “city” if she were as rich as Manny Pacquiao

Kris Aquino and Boy Abunda talk about the things they’d buy if they were as rich as Manny Pacquiao

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

6/12/2014 4:28 PM
Kris Aquino says she would buy a “city” if she were as rich as Manny Pacquiao


060614-kris_main.jpgSa Aquino and Abunda Tonight, pauna na ng host na si Kris Aquino na “we’re rich, but there’s someone richer than us.” Ang tinutukoy ni Kris ay ang boksingero at Congressman na si Manny Pacquiao na kompirmado nang magiging head coach ng isang basketball team sa PBA.

 

Ayon pa kay Kris, maganda na ang “pinangarap niya (Manny) na hindi niya nagawa professionally, pwede niyang bilhin at maging coach.” Kaya tanong naman ni Kris sa kanyang co-host na si Boy Abunda, “if you were that rich, ano ang bibilhin mo?”

 

Sagot ni Boy ay, “ABS-CBN at Boracay.” Paliwanag ni Boy, “para sa parasailing, walang magsasabi kung sino ang sumasakay.” Patungkol ito sa ibinalita ni Kris kay Boy na isang tao na nakilala niya kamakailan sa Boracay, na ikinuwento ang pagpunta ni Boy doon at nagparasail daw ang host kasama ang mga kaibigan at “ka-date” mga tatlong taon na ang nakalilipas.

 

Nang ibalik naman sa kanya ni Boy ang katanungan, sagot ni Kris, “I don’t like. I was going to say something but I want to be kindhearted and quiet.” Pagkasabi nito agad itong sinundan ni Kris ng, “I’ll buy a city.”