• Home
  • Fresh Scoops
  • Krista Miller: ‘Hindi lang po ako isang starlet, makikilala rin po ako bilang isang aktres’

Krista Miller: ‘Hindi lang po ako isang starlet, makikilala rin po ako bilang isang aktres’

Krista Miller bravely defends herself against bashers, takes offense at being called ‘starlet’

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

6/11/2014 4:30 PM
Krista Miller: ‘Hindi lang po ako isang starlet, makikilala rin po ako bilang isang aktres’


061114-krista_main.jpgSa panayam ni Boy Abunda kay Krista Miller sa Aquino and Abunda Tonight, mas binigyang linaw pa ni Krista ang kinasasangkutang kontrobersiya. Dinepensahan din niya ang kanyang sarili laban sa mga taong hindi naniniwala sa kanya. 

Pang-apat na diumano nilang beses magkita ng convicted druglord na si Ricardo Camata. Tatlong beses niya diumanong nakita si Mr. Camata sa Bilibid. Ang una ay nang nagsagala siya, ang pangalawa nang nag-alok siya ng condominium at ang pangatlo ay nang nag follow-up siya. Ang pamg-apat diumano ay noong nasa ospital na si Mr. Camata. 

Legal naman diumano ang pagpasok niya sa Bilibid. Nalaman niya na nasa ospita si Mr. Camata sa pamamagitan ng kanyang talent coordinator at siya diumano ang mismong nagyaya sa ospital. “Ako ang nagsabi na tara dalawin natin, kasi out of payroll na po ako for two months and nasa red line na po ako.” Ayaw ni Krista banggitin ang pangalan ng real estate company at hindi na rin diumano niya na-close ang deal. 

Sa CCTV footage nang pagdalaw ni Krista, isang oras na may kasama siyang dalawang tao sa loob ng ospital kasama si Mr. Camata at 10 minutes na sila lamang ni Mr. Camata ang nasa loob ng hospital room. Totoo diumano ito, ngunit sa sampung minuto na kasama niya si Camata ay “may nurse na pumapasok para ayusin ang swero niya.” 

Hindi rin alam ni Krista na bawal dumalaw sa ospital ang hindi malapit na miyembro ng pamilya. At kung alam daw niya na bawal sana hindi na siya pumunta.

Sagot naman ni Krista sa mga taong tinatawag siyang “kabit” at “nagbebenta ng laman” ay, “Kung ganun po akong klaseng babae hindi ko po papasukin na aside from pag-aartista, nag-aahente pa po ako. Hindi rin po sana ako aabot sa red line kung binebenta ko ang sarili ko kasabay ng pagbebenta ng mga condo, dahil andami ko po talagang indecent proposal sa totoo lang, na tinu-turn down ko po once na nag-offer na yung isang kliyente. And hindi naman po ako magtitiyagang mag-MRT, mag taxi para pumasok sa opisina para lang po kumita.”

Binanggit din Krista ang pagtawag sa kanya ng starlet, “And kung meron pa kong issue na gustong i-prove sa mga tao lalong lalo na po sa mga naninira sa akin yun po yung pagtawag sa akin ng starlet.” 

Nang tanungin siya ni Boy kung nasasaktan siya sa pagtawag sa kanya ng starlet, isang matipid na tango ang sinagot niya dito. Dagdag pa ni Krista, “Kung aalamin natin ang totoong meaning ng salitang starlet, yun po yung artistang pasimula pa lang e. Pero kasi yung ibang tao po binibigyan na po ng ibang meaning ang salitang starlet. Pero gusto ko pong patunayan sa lahat ng mga tao na hindi lang po ako isang starlet, at balang araw makikilala rin po ako bilang isang aktres.”

Pagtatapos ni Krista, “Gusto ko pong matawag na isang aktres pero sa pinagdadaanan ko po ngayon ako po’y isang matatag na babae.