• Home
  • Fresh Scoops
  • Eric Quizon shares how he comes full circle as a director at ABS-CBN

Eric Quizon shares how he comes full circle as a director at ABS-CBN

Eric Quizon shares how ABS-CBN paved the way for his career as a director.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

6/11/2014 3:30 PM
Eric Quizon shares how he comes full circle as a director at ABS-CBN


061114-eric_main.jpgSa Aquino and Abunda Tonight, sinabi ni Eric Quizon na “full circle” ang journey niya as a direktor.

ABS-CBN ang naging daan ni Eric sa pagiging direktor noong 1996 kung saan siya nagsimulang mag-direk para sa Maalaala Mo Kaya, Wansapanataym at Judy Ann Drama Special. At ngayon naman, nagbabalik ABS-CBN muli si Eric sa pagdidirek niya ng nagbabalik na legal drama na Ipaglaban Mo.

Mas naging involved diumano si Eric sa pagdidirek nitong mga nakaraang taon, ngunit pwede naman daw niyang pagsabayin ang pagiging aktor at director. Bilang direktor diumano mas gusto niya na ang aktor niya ang mag-create ng kanilang characters, nagbibigay lang diumano siya ng peg o ng inspirasyon.

Yun din kasi ang gusto ko as an actor. yung konting role na yun is a part of you, kasi ikaw yung gumagawa e. Pwede mong gayahin ang isang artista or pwede mong i-portray ang isang character but at the end of the day, a part of you is still in the character.”

Ang pagdidirek diumano ng isang legal drama ay hindi madali lalo pa’t ipapalabas ito ng 3 PM at may mga kaso na sensitibo mapanood ng mga bata, katulad ng rape. Ang unang episode ng Ipaglaban Mo ay pinamagatang “Lalaban ang Tatay Para Sa ‘Yo,” na isang father’s day special. 

Sa nalalapit na death anniversary ng King of Comedy at tatay ni Eric na si Dolphy ay simple lang diumano ang gagawin nilang pag-alala, at mas gagawin nilang “fun” ang birthday ni Dolphy. Magkakaroon din ng game application in honor of Dolphy at tatawagin itong “Dolphy Cleanup.” Pumayag diumano ang pamilya nila ng alukin sila nito sapagka’t, “it immortalizes Dolphy in an App.” 

Nang tanungin siya ng host na si Boy Abunda kung ano ang reaction nila sa masayang “love life” ni Zsa-Zsa Padilla, mabilis na sagot ni Eric ay “we’re all very happy for her.” At kung gagawan man daw ng pelikula ang buhay ni Dolphy ang gusto niyang gumanap ay silang magkakapatid bilang Dolphy sa iba’t ibang yugto ng kanyang buhay.