Umiyak at naging emosyonal si Michelle at Jayme sa naturang challenge sapagka't labag ito sa kanilang prinsipyo.
Kinondena naman ng Philippine Commission on Women ang diumano'y pag-pressure ni Kuya sa mga housemates. Pang-aabuso raw ito sa mga babae. Giit pa nila, "Walang kahit anong TV show ang maaring ipahiya ang kababaihan."
Sinabi din ni MTRCB Chairman Eugenio Villareal na ang naturang hamon ay maaring labag sa values ng pamilya. Labag din ito sa media agreement na naglalayong ipatupad ang Magna Carta On Women, na nagsusulong ng positibong imahe ng kababaihan.
Hindi naman nabahala ang host ng PBB All In na si Toni Gonzaga sa kinakarap na issue ng programa. Ayon sa kanya, "Alam naman ng 'PBB' 'yung limitation niya. Everything is just really to test a person's principle and values na kinalakihan."
Makikipagtulungan ang ABS-CBN sa MTRCB para malutas ang issue. Positibo si MTRCB Chairman Vilareal na mareresolba ang issue sa pwersa at diwa ng self-regulation ng mga TV network.