• Home
  • Fresh Scoops
  • Kris Aquino on why she loves Sen. Jinggoy Estrada: ‘Silence is really better than BS.’

Kris Aquino on why she loves Sen. Jinggoy Estrada: ‘Silence is really better than BS.’

Kris Aquino strongly defends brother PNoy against Sen. Bong Revilla’s criticisms.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

6/10/2014 9:20 AM
Kris Aquino on why she loves Sen. Jinggoy Estrada: ‘Silence is really better than BS.’


061014-kris_main.jpgSa Aquino and Abunda Tonight, buong pusong idinepensa ni Kris Aquino ang kanyang kapatid na si President Benigno S. Aquino III o mas kilala sa tawag na “PNoy.”

Ito ay reaksiyon sa katatapos na privilege speech ni Senator Bong Revilla patungkol sa plunder case na isinampa laban sa kanya sa Sandiganbayan. Sa nasabing speech binatikos ni Sen. Bong si “PNoy” at sinabing sa natitirang dalawang taon ni PNoy bilang presidente ng bansa, mas maganda na pagtuunan niya ng pansin ang paglutas ng mga mas importanteng bagay katulad ng kahirapan kaysa sa pagpapakulong nito ng mga hindi niya kaalyado.

Sinabi ni Kris na nire-respeto niya ang pamilya ni Sen. Bong at ang pinagdadaanan nito ngunit nire-respeto din niya ang kanyang pamilya at ang kanyang kapatid. Dagdag ni Kris, “To this day, 72% of the Filipino citizens say he enjoys the trust and the support of the people so let it be that. This is not an issue about PNoy and the presidency. This is an issue about the pork barrel, na thank God walang kinalaman si PNoy dun, malinis ang konsensiya ng kapatid ko kaya malakas ang loob niya na isulong ang paglilinis ng gobyerno.”

Ayon pa sa co-host ni Kris na si Boy Abunda, napakahirap diumano magbigay ng komento sapagka’t kapatid ni Kris si PNoy at kaibigan din niya ang presidente ngunit, “We just have to say certain things para may balanse din po. Ito yung tinatawag na free speech.”

Hindi rin sang-ayon si Boy sa sinabi ni Sen. Bong na nakatuon lang ang pansin ni PNoy sa mga kalaban nito sa politika. “Double-edged (sword) po yan, that can define a bit his presidency but hindi lang naman po yun lamang ang ginagawa ng presidente.”

Pagtatapos ni Kris, “Nabigyan siya ng all that time and karapatan ko din naman na ako sabihin ko na ako, bilib sa kapatid ko at pakiramdam ko majority ng Pilipinas still agree with me at yung two years na paulit-ulit, well it’s still two years.”

Ayon pa kay Kris, “parang I love Jinggoy (Estrada),” dahil, dagdag na patutsada ni Kris, “Silence is really better than BS.”