Aktres, tsugi na agad sa teleserye?

BY OGIE DIAZ

FRESH SCOOPS

6/10/2014 6:49 PM
Aktres, tsugi na agad sa teleserye?


061014-ogie.jpgSiguradong pag-uusapan sa showbiz kung tototohanin ng network ang kanilang banta na papatayin nila ang character ng isang aktres sa teleseryeng kakasimula pa lamang.

Ito ang huling narinig ko mula sa isang staff, dahil sobrang headache na raw ang ibinibigay nito sa set.

Una, super late na ngang dumating ay ito pa ang may ganang magalit sa staff. Natural naman, 7 hours kang late at kailangan nang kunan ang eksena mo, tapos, magdadayalog ka ng, "Minamadali nyo ba ako? O eh di sige. Kayo na ang umarte sa harap ng kamera, mas alam nyo yata eh!"

Hindi lang yon. Nanibago daw ang lahat sa hilatsa ng mukha ni aktres nung pine-preview na ang kinunang eksena. "'Yun nga, eh. Parang antigas ng panga niya tapos nagaga-grind-grind pa ng ngipin, kaya nga ang feeling namin, she's into drugs na naman!"

At nalolokah na rin daw ang mga artistang kasama sa set dahil dumadaldal daw off-cam, pero wala raw sense at wawa ang mga pinagsasasabi to a point na very annoying na raw ito.

Inireklamo na ito silently ng mga kasamang artista, dahil hindi na raw nila ma-take makisama sa isang tulad nyang parang ang hirap daw ispelengin.

Kaya ang plano ngayon ay "patayin na ang character" nito, "Pero ewan, Kuya Ogie, kung kaya nilang ilihim pa ang dahilan kumbakit nila ito tatanggalin sa serye. Sayang talaga, Kuya Ogie! Nakabalik na sana siya eh. Pero ang bisyo ang hindi yata niya kayang iwan."

Kung totoo man ito, sana nga ay makabangon pa ang aktres. Hindi pa naman huli ang lahat. Lagi niyang tatandaan na hindi siya forever nandyan, kaya sana'y harapin na niya ang katotohanan na hindi na siya ganun kalakas ngayon sa mga fans.