• Home
  • Fresh Scoops
  • Heart Evangelista denies being affected by Jericho Rosales’s wedding

Heart Evangelista denies being affected by Jericho Rosales’s wedding

Heart Evangelista says her sad painting is not a commentary on ex Jericho Rosales’s wedding.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

5/10/2014 12:00 AM
Heart Evangelista denies being affected by Jericho Rosales’s wedding


051014-heart_main.jpgSa ulat sa TV Patrol, dapatwa’t sinabi ni Heart Evangelista na ready na siya magpakasal sa kanyang nobyo na si Senator Francis “Chiz” Escudero, wala pang balita kung kailan sila magpapakasal. Ayon kay Heart, “I’m just happy that I found my lifetime partner, so it doesn’t really matter when you tie the knot.”

Kaugnay nito, naiintriga si Heart na apektado siya sa pagpapakasal ng dati nitong nobyo na si Jericho Rosales sa host-model na si Kim Jones. Nag-post kasi si Heart sa kanyang instagram account ng isang malungkot na painting nang mismong araw ng kasal ni Jericho at Kim.

Pinabulaanan naman ito ni Heart. “Of course not, kaloka naman, but they keep tagging me pero okay lang. That’s life, you know we all move on.” Dagdag pa ni Heart, ang pagpinta niyang muli ay inspired ng mapait na relationship niya ngayon with her mom. Matatandaang tumutol ang ina ni Heart sa pakikipagrelasyon niya kay Senator Chiz.

Sold out ang naging solo art exhibit ni Heart at ayon sa kanya, “This was very therapeutic for me, it’s something I avoid thinking about.”