• Home
  • Fresh Scoops
  • Atty. Topacio discusses Claudine Barretto's case & his part in Deniece Cornejo's legal battle

Atty. Topacio discusses Claudine Barretto's case & his part in Deniece Cornejo's legal battle

The high-profile lawyer gives insight on the cases he is handling.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

5/9/2014 8:04 AM
Atty. Topacio discusses Claudine Barretto's case & his part in Deniece Cornejo's legal battle


050914-atty_main.jpgNakapanayam ng Aquino and Abunda Tonight si Atty. Ferdinand Topacio kaugnay ng mga high-profile cases na “hinahawakan” niya katulad ng mga kaso ni Claudine Barretto at Deniece Cornejo.

Sa kaso ni Deniece, nilinaw ni Atty. Topacio na legal counsel siya ng pamilya ni Deniece Cornejo, ngunit hindi siya abogado ni Deniece. Kaibigan niya diumano ang Uncle-Lolo ni Deniece na si Rod Cornejo. Isang dekada na diumano ang nakakaraan nang bagitong abogado pa lang siya ay lumapit siya kay Manong Rod upang magpatulong kung paano maghandle ng media. Ayon pa kay Atty. Topacio, nang himukin ni Manong Rod, in public, na sumuko si Denice ay katabi siya nito at binibigyan ng legal advice ang dating media executive. Dagdag pa niya, gagabayan niya ang pamilya sa pagharap ng mga kaso ni Deniece pero hindi siya directly involved sa gagawing proseso ng mga abogado ni Deniece.

Bilang abogado naman ni Claudine, sinabi niya na nadismiss ang kasong qualified theft laban sa dalawang katulong ni Claudine. Paglilinaw ni Atty. Topacio, tinatawag na qualified theft kapag ang gumawa ng pagnanakaw ay mga taong pinagkakatiwalaan mo. May breach of trust na nangyari kung kaya mas malaki diumano ang kaparusahan ng batas laban dito. Kaiba pa ito sa theft na hindi trusted person ang may sala at sa robbery na may violence.

Dagdag pa ni Atty. Topacio, sa mag-asawa walang “Claudine’s” o “Raymart’s kung kaya ang pagpapakuha ng gamit ni Raymart sa mga katulong ng “kanyang” mga gamit ay form of “economic abuse.” Economic abuse ay kapag daw “you deprive someone materially or you make someone dependent on you financially.”

Na-dismiss man ang kasong qualified theft, umusad naman ang isang kaso laban kay Raymart Santiago na asawa ni Claudine na may kinalaman sa RA9262 o anti-Violence Against Women and their Children Act. Umusad ito sapagka’t may two counts of physical violence na binigyang pansin ng korte. Kaya raw, ayon pa kay Atty. Topacio,“na-vindicate” sila dahil noon sinasabi ng kampo ni Raymart na sinasaktan lang ni Claudine ang sarili niya.

Nag-re-reach out naman daw si Claudine kay Raymart pag dating sa mga anak nila na si Sabina at Santino. Inimbita diumano ni Claudine si Raymart sa dance recital ni Sabina ngayong Mayo 29 at sa napag-alaman nila bumili naman ng tickets si Raymart. “Very nil” na diumano ang chance na magkaayos pa si Claudine at Raymart pero pagdating sa mga bata ay may pag-asa pa naman. May isang insidente lang diumano nang dumalaw si Raymart sa mga bata na, “may konting resistance on the part of the children.”

Ipinakita rin ni Atty. Topacio ang straight A grades ni Santino sa host na si Kris Aquino dahil ibinilin daw ito ni Claudine at very proud si Claudine. Gusto ni Claudine ipaalam sa pamamagitan nito na she’s a good mother at maayos ang “home life” ng mga bata. Sa tanong naman kung nahihirapan financially si Claudine, sinagot ni Atty Topacio na, “I don’t think so. She’s able to maintain yung lifestyle that the children have been accustomed to, they go to good schools, and even yung payments niya sa amin as a law firm e up to date.”

Sinabi rin niya na hindi pro-bono ang pagiging abogado niya kay Claudine. Ibinato rin ni Kris na may love angle pa diumano sa usaping ito, sagot naman ni Atty. Topacio, “I dont think so, she’s the optimum star sino ba naman ako and I’m happily married.”

Isang rebelasyon naman nang sinabi ni Boy Abunda na big supporter si Atty. Topacio ng LGBT community. Hindi na nasagot ni Atty. Topacio kung bakit, ngunit ipinagmalaki niya na siya ay idineklara ng “Ladlad” bilang first honorary gay ng Pilipinas. Pahabol ni Atty. Topacio “I’m proud to say, beki akech!”