• Home
  • Fresh Scoops
  • Atty. Claire Castro on the legal rights of a mistress: ‘Hindi pwedeng mabigyan ng malaking karapatan

Atty. Claire Castro on the legal rights of a mistress: ‘Hindi pwedeng mabigyan ng malaking karapatan

Atty. Claire Castro discusses infidelity and the rights of the legal wife and the mistress.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

5/8/2014 8:22 AM
Atty. Claire Castro on the legal rights of a mistress: ‘Hindi pwedeng mabigyan ng malaking karapatan


050814-Claire_Main.jpgUsap-usapan ngayon ang pangangaliwa dahil sa teleseryeng inaabangan ng sambayanan, ang The Legal Wife. Inimbita ng Aquino and Abunda Tonight si Atty. Claire Castro upang malinawan at mas maging informed sa usaping ito. 

Nilinaw ni Atty. Castro na kapag ang lalaki ang nangaliwa ang tawag dito ay “concubinage” at kapag babae naman ang nangaliwa ang tawag dito ay “adultery.” Kapag concubinage ay may mga elements diumanong kailangan patunayan, katulad ng “cohabitation” o pagtira sa iisang bubong, at pagkakaroon ng “sexual relationship in a very scandalous manner.”

Aminado naman si Atty. Castro sa pagkakaroon ng double standard sa ating batas sapagka’t kapag adultery diumano, sapat na ang mapatunayan na nagkaroon ng “sexual intercourse” ang asawang babae at sapat na ang pagkakaroon ng pruweba, kahit walang “cohabitation” para mapatunayang nangangaliwa siya.

Kabilang pa rito na kapag napatunayang guilty ang babae sa adultery mapapatawan siya ng six years of imprisonment, samantalang sa concubinage ay maximum number of years of imprisonment lang ang apat na taon.

Kasama na sa “double standard” na ito na kapag nahuli ang babae na nakikipagtalik at napatay ang babae ng kanyang asawa, magkakaroon ng criminal liability ang asawa niyang bumaril sa kanya ngunit mapapawalang sala ito.

Sa ngayon diumano hindi pa na-aamyendahan ang mga batas na ito. Ang “konswelo” na lamang daw ng mga Filipina ay ang pagkakaroon ng RA9262 na kilala rin bilang Anti-Violence against Women and their Children Act dahil malawak ang saklaw ng batas na ito. Nakapaloob sa batas na ito ang karapatan ng babaeng mabigyan ng proteksyon kapag nagkaroon siya ng “hindi magandang relasyon sa kanyang sa asawa kabilang na ang emotional at psychological abuse.”


Kaya nga lang daw, kalimitan inuurong ng asawang babae ang kaso laban sa asawa kapag humingi na ng tawad ang lalaki lalo pa’t kailangan niya ng financial support nito. Hindi raw pinapayagan ng korte ang babae na iatras ang kaso laban sa asawa niya kapag naisampa na, kaya lang raw pagdating ng arraignment at walang witness, walang magagawa ang korte kundi i-dismiss ang kaso.

Sa karapatan naman ng isang kabit, nilinaw ni Atty. Castro na may karapatan ang illegitimate children ngunit wala masyadong karapatan ang isang kabit. Kapag namatay ang kinakasama niya, ang karapatan lamang niya ay sa properties na naipundar nila ng kinakasama. Karapatan niyang makuha ang share niya o nai-contribute niya, samantalang ang share ng kinakasama ay mapupunta sa legal wife nito. Sa usapin ng paglibing ng mga labi, ang may karapatan pa rin daw ay ang legal wife kahit mas matagal nang kinakasama ang kabit. Dahil paglilinaw ni Atty Castro, sa batas natin “hindi nababalewala ang kasal kahit walang communication.”

Dagdag pa ni Atty. Castro, “Hindi pwedeng mabigyan ng malaking karapatan ang isang mistress especially in the will, especially sa properties kahit bigyan mo ang mistress mo, it’s illegal.”