Deniece Cornejo is having a hard time in jail

Deniece Cornejo is having a hard time adjusting to her life behind bars.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

5/7/2014 10:42 PM
Deniece Cornejo is having a hard time in jail


050714-deniece_main.jpgSa ulat ni Jay Ruiz para sa TV Patrol, nahihirapan diumano si Deniece Cornejo mag-adjust sa selda niya kung saan mayroon siyang kasamang sampung inmates at mayroon lamang dalawang electricfan. Ayon kay Supt. Trinidad, “Siyempre kapag napasok na ang isang tao sa isang kulungan lahat nagbabago, yung luxury, yung time mo na kahit saan pwede ka pumunta, kahit saan mo gusto, kung saan mo gustong kumain..”
 
Ayon naman sa Philippine National Police, walang special treatment na natatanggap si Deniece. Nakapiit si Deniece sa Anti-Transnational Crime Unit ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group sa Camp Crame, Quezon City. Pinapayagan din siyang tumanggap ng bisita mula 1pm-5pm tuwing weekdays at 9pm-5pm kapag Sabado. Dumalaw na rin diumano ang ilang kamag-anak at abogado ni Deniece.