Young actor, kapit sa patalim para sa pamilya?

BY OGIE DIAZ

FRESH SCOOPS

5/6/2014 3:21 PM
Young actor, kapit sa patalim para sa pamilya?


050614-ogie.jpgMay disclaimer agad ako sa blind item na ito. Hindi ko ito sinasabing kumpirmado basta twice ko nang narinig ang tsikang ito. 

At nito ngang huli, narinig ko na naman na ang "kabayanihan" ng isang guwapo at sikat na young actor para sa pamilya.  Na diumano, noon pa ay itinaga na sa bato ng young actor na hinding-hindi siya papatol sa bading, pero according to our source, "Dumarating talaga sa buhay ng tao na kung kailangan mo ng agarang cash ay yung ayaw mo ay siya mong gagawin. At yun ang ginawa ng bagets. Alam niyang merong isang mayamang bading na gustong-gusto siya, pinagbigyan niya ng one time lang naman. Kasi he badly needed big amount of cash at that time dahil one of his parents mamamatay pag hindi naoperahan. At yun na nga, pumatol siya para me pambayad lang siya sa ospital ng kanyang loved one. But unfortunately, pagkatapos niyang kumapit sa patalim, ipaangkin ang katawan niya sa isang mayamang bading kapalit ang cash, namatay din ang pinakamamahal niyang magulang. Sad, no?"


Pero sa totoo lang, kung ito man ay totoo, sinasaluduhan ko ang bagets na ito. Napakabuting anak. Kaya tingnan nyo naman ang nangyayari ngayon sa kanyang career, bonggang-bongga.


Limang letra, hulaan nyo ang dalawang letrang initials niya: D-G-F-E-M.