• Home
  • Fresh Scoops
  • Vhong Navarro comes face to face with Cedric Lee’s group during pre-trial

Vhong Navarro comes face to face with Cedric Lee’s group during pre-trial

Deniece Cornejo's alleged grandmother tells Vhong: 'Wala kang puso'

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

5/6/2014 7:20 PM
Vhong Navarro comes face to face with Cedric Lee’s group during pre-trial


050614-vhong_main.jpgSa unang pagkakataon matapos ang sinasabing pambubugbog kay Vhong Navarro noong January 22 ng kampo ni Cedric Lee, nagkaharap-harap kanina May 6, sa Taguig Regional Trial Court sina Vhong, Cedric, Zimmer Raz at Deniece Cornejo. 

Naganap kanina ang arraignment ni Deniece, bail hearings at pre-trial sa mga kasong isinampa ni Vhong sa grupo ni Cedric. Hindi pinapasok ang media sa sala ng hukom ngunit ayon kay Vhong, iniwasan niyang tumingin kala Cedric, Zimmer at Deniece. Napagsabihan pa diumano si Cedric ng isang NBI officer nang tumayo ito, inayos ang damit at tumingin kay Vhong. 

Ngunit paglabas sa korte, ang lola ni Deniece na nagpakilalang Lola Florencia ay sinalubong ang grupo ni Vhong at sinigawan si Vhong, sinabi nito na “masakit ang loob niya” at walang puso si Vhong. Si Vhong naman hindi nagsalita at diretso lang ito naglakad paalis kasama ang mga kaibigan. Pinagbawalan naman ng korte dumalo muli sa court hearings ang sinasabing lola ni Deniece.