Deniece Cornejo fears another trial by publicity

Atty. Ferdinand Topacio reveals why Deniece Cornejo surrendered and why she came to the PNP and not the NBI.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

5/5/2014 10:03 PM
Deniece Cornejo fears another trial by publicity


050514-deniece1_main.jpgKaugnay sa pagsuko ni Deniece Cornejo Lunes ng hapon, May 5, sa Philippine National Police dahil sa kasong Serious Illegal Detention, nakapanayam ng TV Patrol si Atty. Ferdinand Topacio na mabilis na nilinaw na hindi siya abogado ni Deniece at nandoon siya sapagka't kaibigan niya ang grand uncle ni Deniece na si Rod Cornejo. Matagal na daw siyang kinokonsulta ni Mr. Cornejo kaugnay sa mga kasong kinauugnayan ng kanyang apo.
 
Ayon kay Atty. Topacio, "Nangamba si Deniece na baka kung ano ang mangyari sa kanya kaya ngayon lamang ito sumuko."  Dagdag pa ni Atty. Topacio sa pananaw ni Deniece hindi pantay ang pagtrato ng NBI sa kaso. Nang tanungin kung sino ang mga kinatatakutan ni Deniece, sinabi ni Atty. Topacio na maraming kinatatakutan si Deniece sapagka't nagkaroon ng massive publicity at ultimo pagkatao niya was called into question gayong hindi naman daw ito dapat.
 
Sumuko naman daw si Deniece sapagkat wala siyang kasalanan at kung haharapin niya ito at maglilitis ng parehas, walang trial by publicity, walang character assassination ay maabswelto siya at mapapatunayang walang sala. 
 
Isang malaking konsiderasyon naman daw kung sakali ang pagiging State Witness ni Deniece pero sa ngayon ay wala pa ito sa usapin.