• Home
  • Fresh Scoops
  • Young Actor, walang utang na loob sa kanyang sponsor designers?

Young Actor, walang utang na loob sa kanyang sponsor designers?

BY OGIE DIAZ

FRESH SCOOPS

5/31/2014 1:51 PM
Young Actor, walang utang na loob sa kanyang sponsor designers?


ogie.jpgMasamang-masama ang loob ng dalawang designers sa isang gwapong young actor na kahit wala pang ginagawang teleserye ngayon ay sikat pa rin naman.

Ba't masama ang loob?

Nabasa kasi ng dalawang designers 'yung post sa instagram account ng aktor na masyado nitong pinupuri 'yung isang designer sa kanyang suit na suot niya. 'Yun daw ang best suit niya ever.

Nalokah ang dalawang designers, dahil ang sabi ng source, "Tama ba 'yun?

Limang taon kang binibihisan ng dalawang 'yon nang walang bayad, tapos, ina-acknowledge mo lang sa ig account mo, pero itong ngayon ka lang binihisan, super puri ka?"

According to our source, "Puwede naman kasing nagpapakatotoo lang siya, eh. Pero not in a tactless way, Ogie. Ikaw kunwari ang nagbibihis sa kanya for the last five years, tapos, ano ang maipi-feel mo pag nakabasa ka nang gano'n?"

Dalawang bagay lang 'yan. Baka sawa na rin si bagets sa design ng dalawang designers, kaya 'yun ang caption niya du'n sa post niya. O, talagang hindi niya 'yon  sinasadya na tactless siya at makaka-offend 'yon sa dalawang designers. "Puwedeng gano'n nga, pero noon pa naman siya iniintindi ng dalawang designers dahil super friend nila ang kalabtim niya, eh. 'Yun na lang ang iniisip nila. Pero sa totoo lang, alam din naman nila na ang daming production people na ayaw siyang katrabaho, pero ipinagtatanggol pa rin siya ng dalawang designers. Tapos, eto ngayon. Biktima pa pala sila ng kataklesahan niya! Hahaha!"

O, sa dalawang designers: wag nang magdilim ang inyong paningin, dahil pasasaan ba't magkakaroon din ng realization ang bagets someday. Malay n'yo, kayo din pala ang tatahi sa damit pangkasal ni Bagets, di ba?