• Home
  • Fresh Scoops
  • Wenn Deramas confirms ‘Praybeyt Benjamin’ sequel with Kris Aquino’s son Bimby

Wenn Deramas confirms ‘Praybeyt Benjamin’ sequel with Kris Aquino’s son Bimby

Wenn Deramas hopes that the ‘Praybeyt Benjamin’ sequel would surpass, or if not, equal the first movie’s success.

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

5/30/2014 9:27 AM
Wenn Deramas confirms ‘Praybeyt Benjamin’ sequel with Kris Aquino’s son Bimby


053014-wenn_main.jpgSa muling pagkapanalo ni Wenn Deramas sa ikalimang pagkakataon bilang Most Popular Film Director sa Guillermo Mendoza Scholarship Foundation Awards, tila hindi na nga mapipigilan pa ang director sa dami ng mga nakalinyang proyekto niya. Hindi niya maitago ang saya sa muling pagkakasungit sa parangal na ito, “Nakakatuwa lang na nabi-break mo yung sarili mong record kaya nakakakuha ka ng ganun. Kapag gagawa ka naman ng pelikula, ang gusto mo lang naman kumita para bumalik yung pera ng producer mo para makagawa ulit kayo. Pero minsan ang ginagawa ng Panginoon ay labis-labis kaya nga pwede mo na lang gawin ay magpasalamat.”

Aminado si Direk Wenn na sa ganitong mga pagkilala ay nadaragdagan ang pressure sa kanya sa kalalabasan ng kanyang mga ginagawang proyekto. “Kapag naman siguro may kaakibat nang title na Box office director may ganun na so nageexpect na sila na kailangan kumita. Meron pa rin, hindi naman dapat na hindi. Kasi sa sarili mo kapag gumagawa ka ng pelikula yung quality control mo sa sarili mo… ‘Ito ba magugustuhan ng mga tao? Ito ba tatawa ba?’ Nandun ka na eh na totoong nakakpressure naman talaga yun. Hindi naman ako tulad ng once a year lang gumagawa tulad ngayon meron akong tatlo, apat na gagawin so ganun.”

Kinumpirma din ng box-office director na may sequel na ang isa sa highest grossing Filipino movie of all-time na Praybeyt Benjamin kung saan makakasama na ni Vice Ganda si James’ Bimby’ Yap. “Siyempre hindi naman pwedeng maliit lang ang role ni Bimby dito at napakaimportante ng role niya dito. Maganda-maganda siyempre dapat kahit papaano mahigitan man lang, hindi man mahigitan mapantayan man lang itong part two nung part one na ginawa ko.”

Matatandaang noon ay sinabi na ni Kris Aquino na huli na nila ng anak na si Bimby ang paggawa ng My Little Bossings na tumabo ng nakapalaki sa takilya. Ngunit ngayong kumpirmado nang gagawa muli si Bimby ng pelikula, natanong ang direktor kung nahirapan ba silang kumbinsihin si Kris na mapasali ang kanyang bunso sa isa nanamang Metro Manila Film Festival entry. “Alam mo ako yata yung taong huling nakaalam o nasabihan, basta nung nasabihan ako ng, ‘Direk MMFF, Praybeyt Benjamin 2’with Bimby and Ser Chief so general si Ser Chief dito, si Richard Yap.’ Naexcite naman ako dito at agad-agad po akong um-oo. Aarte ka pa ba kung ganun naman saka ang maganda dito, nandito yung original cast, yung pamilya niya, yung kasama niya dun sa giyera sila pa rin eh. Isang malaking ano pa rin naman talaga, pasabog yjng pagsama ni Bimby at ni Richard Yap dito.”