Lance Raymundo says his healing is a miracle

Lance Raymundo recounts how Jesus talked to him and how his faith saved him.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

5/30/2014 9:20 AM
Lance Raymundo says his healing is a miracle


053014-lance_main.jpgSa Aquino and Abunda Tonight, pinatotohanan muli ng singer-actor na si Lance Raymundo ang milagrong nangyari sa kanya matapos siyang mabaksakan ng 95lbs barbell sa mukha noong March.

Ayon kay Lance, akala niya mamamatay na siya kasi sinabi ng kanilang family doctor na 50/50 ang kondisyon niya. Naka-expose din ang part ng brain niya matapos ang aksidente kaya “prone” siyang magkaroon ng seizure or meningitis.

Nang makita siya ng nanay niya “naka-expose talaga ang bungo ko. Her first instinct was to tell God na ako na lang ako kunin mo.” Ngunit ani Lance, “instinct told me na pinigilan kong mahimatay.”

Nang sumunod na araw nakarinig si Lance ng boses na parang kay “Big Brother kasi di ko alam kung saan nanggagaling.” Sinabi diumano sa kanya ng boses na, “yung suffering ko six days lang and on the seventh day babalik lahat: eyesight, my life, and my face.”

Sinabi diumano niya sa boses na, “I hope You’re really God, sana hindi kita ini-imagine.” Sinagot naman siya ng boses ng, “basta makatayo (ka) sa bed, you know it’s really Me.” Sobrang hirap daw para sa kanya noon gumalaw pero pinilit niyang umupo. “Noong umupo nga ako sa bed, dun ko nakita sa comforter ko na ang pagkakagusot niya for me was Jesus Christ.”

Meron pa diumanong katabi si Jesus Christ na babae. “There was a woman who looks like the venerable Mother Ignacia, who was actually a candidate for sainthood.” Deboto diumano ang nanay niya ni Mother Ignacia for 13 years, at nanay din ni Lance ang naka-identify na ang babaeng katabi ni Jesus Christ ay si Mother Ignacia.

Dagdag ni Lance pwede siyang ma-depress, “but the fact that I was in high spirits helped also. Yun yung natutunan ko, you just value your faith and trust.” At nang ikapitong araw, nakakakita na nga muli si Lance at kwento pa niya, bumalik sa 20/20 ang vision niya.

Nagkaroon siya ng peklat sa may bridge ng ilong matapos ang surgery ngunit hindi daw niya ito ipapatanggal. “It’s part of my life’s journey, and I learned a lot from this. In a way, I’ve touched lives positively.” 

Desisyon din ni Lance na huwag banggitin ang pangalan ng gym sa publiko sapagka’t, “I’m suffering why would you make the other people suffer, too?” Paliwanag ni Lance, “technically, kapag tiningnan mo, baka nga may responsibilidad talaga sila pero since ako naman ang naaksidente it’s my choice.”

Nag-file rin siya ng charges sa gym instructor ngunit pina-recall din niya ito.  “Kawawa naman yung tao, wala na ngang trabaho, yun lang ang pangkain niya sa pamilya niya, dahil lang sa aksidente na hindi naman niya sinasadya.”

29 years old si Lance at walang girlfriend sa kasalukuyan. Mabuti na nga raw na single siya nang mangyari iyon para walang nahirapan na girlfriend niya.

Ang panalangin ni Lance ay, “for my suffering to be worth it, sana matouch ko yung mga buhay ng mga tao. It makes all the pain worth it, na maraming mga taong naging positive ang outlook nila sa buhay dahil sa natutunan nila sa nangyari sa akin.”