• Home
  • Fresh Scoops
  • Boots Anson-Roa on fiancé: ‘Parang kaming nagkaka-second childhood’

Boots Anson-Roa on fiancé: ‘Parang kaming nagkaka-second childhood’

Boots Anson-Roa shares amusing text messages between her and fiancé Atty. Francisco ‘King’ Rodrigo Jr.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

5/30/2014 10:00 PM
Boots Anson-Roa on fiancé: ‘Parang kaming nagkaka-second childhood’


053114-boots_main.jpgSa Aquino and Abunda Tonight, bungisngis na nagkwento ang veteran actress na si Boots Anson-Roa tungkol sa mga pangyayari kamakailan sa kanyang buhay. 

Una, kinuwento niya ang issue tungkol sa pagkakahampas sa kanya ng diyaryo ng isang Australian-Canadian sa kanyang condominium. Ani Boots, matapos siyang mag-gym, nakihiram siya ng diyaryo na nasa front desk at nagbasa siya. Lumapit sa kanya ang foreigner na minumura siya at sinabi nitong, “Do you own that? Why are you reading other's newspapers? Why don't you subscribe to your own newspaper?"

Hindi diumano ito pinansin ni Boots at patuloy siyang nagbasa. Binalikan diumano siya ng foreigner, “Binalumbon ang hawak niyang diyaryo at hinampas ako sa braso.”

Sinabi niya sa security ng condominium na gawan ng report ang pangyayari. "Gawan niyo ng report then I will talk to the administration later on. I will talk to the legal counsel of the condominium because I want to discuss this."

Ayon pa kay Boots, ang lalaking ito ay isa ring condominium owner na nakatira sa 30th floor at inaakusahan diumano siya nitong “newspaper thief.” Nakausap din ni Boots ang isa pang babae na inagawan ng diyaryo ng nasabing lalaki at galit na galit ito.

Nagsampa rin ng formal complaint laban sa lalaki si Boots sa tulong kanyang fiancé na si Atty. Francisco “King” Rodrigo Jr. Bukas rin naman daw si Boots sa mediation. Ngunit ayon sa kanya, na-offend ang sensibilities niya bilang babae at bilang Filipino ng hampasin siya ng foreigner na ito.

Masaya ring ibinahagi ni Boots ang pagpapakasal nila ni King sa June 14 sa Archbishop’s Palace. Ang officiating priest diumano ay si Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle. Matagal na silang magkakilala ng kanyang fiancé dahil “barkada” ni Boots ang mga kapatid nito at kaklase naman si King ng nasirang asawa ni Boots na si Pete. Pitong taon ng byuda si Boots at anim naman taong byudo si King.

Pinag-match diumano sila ng mga relatives nila sa isang party. Nagka-ilangan diumano sila noong una ngunit after 3 years, January 2013 sa birthday ng mama ni King, may iba ng pakiramdam. Ayon kay King, may “kilig factor” na. 


Ani Boots, “you should see our text messages, nakakahiya. Parang kaming nagkaka-second childhood." Kwento niya ang isang message niya ay nagtapos sa isang “bading language” na “charing.” Kaya sumagot daw si King ng, “sino si Charing?” Sumunod naman niyang ginamit na bading language ay “echos” at nagtanong si King sa isang lawyer associate niya kung ano ang “echoes.” 

Siguro daw ay end of June na ang honeymoon nila kasi dadating ang kani-kanilang mga anak galing sa ibang bansa. Dagdag ni Boots, “bungisngis galore” sila kapag magkasama ni King. Hindi pa diumano nagtatabi ang dalawa at nang tanungin ng host na si Kris Aquino kung excited siya para sa kanyang wedding night ang sagot ng aktres ay, “Oo naman!” Nakakahiya diumano na sa edad niya ay iniisip pa niya ang “chastity at virginity.” 

Pagtatapos ni Boots tungkol sa pagmamahalan nila ni King, “Heaven sent, God is good. Siguro mabait (tayong) tao kaya binigyan tayo ng blessing. And no matter how many years in the future God gives us …we promise to infuse life in those years.”