Zoren Legaspi may face another legal rap from the BIR

Zoren Legaspi’s accountant reveals to BIR that Zoren has four TINs.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

5/29/2014 10:12 AM
Zoren Legaspi may face another legal rap from the BIR


052914-zoren_main.jpgSa ulat ni Ina Reformina para sa TV Patrol, hindi nakabuti ang mga pahayag ng accountant ni Zoren Legaspi sa unang pagdinig para sa P4.45 million tax evasion case na inihain ng BIR laban sa aktor.

Hindi dumalo si Zoren at ang kanyang mga abogado at ipinadala na lamang ni Zoren ang kanyang accountant na si Flora Capili. Inamin ni Capili na may mga discrepancies sa Income Tax Returns ni Zoren at mayroon diumanong apat na Tax Identification Number (TIN) si Zoren.

Labag sa National Revenue Code ang pagkakaroon ng higit sa isang TIN. Sinabi rin ni BIR Commissioner Kim Henares na iisa lang dapat ang TIN ng bawat tax payer para diumano hindi makawala sa pagbabayad ng tamang buwis ang isang tax payer.

Ang maga artista katulad ni Zoren na kumikita ng milyun-milyon ay hindi bababa sa 32% ang pinapataw na buwis ng BIR. Kung maraming TIN ang isang tax payer, hindi siya makakapagbayad ng tamang buwis sapagka’t maari niyang utay-utayin ang deklarasyon ng kanyang kita.

Dahil wala ang mga abogado ni Zoren, ipinatanggal ng piskalya sa records ng hearing ang mga pahayag ng accountant niya, ngunit huli na ang lahat sapagka’t narinig na rin diumano ito ng mga taga-BIR. 

Binibigyan hanggang June 6 ang kampo ni Zoren na magsampa ng counteraffidavit at depensa.

WATCH VIDEO HERE