Roxanne Cabanero throws her sunglasses at Vhong Navarro

Tension rises after the preliminary investigation into the third rape case against Vhong Navarro

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

5/29/2014 10:00 PM
Roxanne Cabanero throws her sunglasses at Vhong Navarro


052914-vhong_main.jpgSa ulat ni Dominic Almelor para sa TV Patrol, nagkaroon diumano ng tensiyon kanina May 29, sa Quezon City Prosecutor's Office matapos ang last preliminary investigation sa pangatlong rape case na kinakaharap ng comedian-actor na si Vhong Navarro. Isinampa ang pangatlong rape na ito ng isang stuntwoman na nakatrabaho ni Vhong sa isang teleserye noong 2009.
 
Sumipot din sa pagdinig ang lola at tiyuhin ni Deniece Cornejo. Nakasuot diumano ng isang placard ang tiyuhin ni Deniece na may mensaheng, "Justice for rape victims, jail the serial rapist."
 
Nandoon din si Roxanne Cabanero, ang pangalawang babae na nagsampa ng rape case laban kay Vhong. Ayon kay Roxanne, gusto niyang makita si Vhong. "Ngayong nakikita na talaga kita, I don't know what I'm going to do. Gusto ko tingnan mo ako sa mata at sabihin mo sa akin kung ano ang gusto mong sabihin sa akin."
 
Matapos ang pagdinig, lumabas si Navarro na matipid ang sagot sa media. Kinurot si Vhong ng isang babae kaya napalingon ang aktor at sunod-sunod na diumano ang natanggap na batikos ni Vhong. May sumigaw ng,"Ikulong 'yang rapist na 'yan! Rapist!" Nakisali na rin si Roxanne na nagsabing, "Vhong, sagutin mo ang ginawa mo sa akin!" Nang hindi makalapit, nanggagalaiting ibinato ni Roxanne ang kanyang shades sa aktor, ngunit hindi tinamaan ang aktor. Lumabas diumano si Roxanne ng DOJ na humahagugol at iniiwasan ang media.
 
Ayon naman sa kampo ni Vhong, "You know for us, it's very clear that it's a fabrication. At nire-respeto naman daw nila ang pagawa ng ingay ng mga nag-aakusa kay Vhong, ngunit sana raw kaysa mag-iskandalo ay hintayin na lang ang desisyon ng korte.

WATCH VIDEO ON ABS-CBN.COM