• Home
  • Fresh Scoops
  • Robin Padilla and Mariel Rodriguez reveal why it’s not yet time for her to go back to TV

Robin Padilla and Mariel Rodriguez reveal why it’s not yet time for her to go back to TV

Now that Pinoy Big Brother is airing, Robin Padilla and Mariel Rodriguez agree that they’d rather spend time together than having Mariel back on television.

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

5/29/2014 10:06 AM
Robin Padilla and Mariel Rodriguez reveal why it’s not yet time for her to go back to TV


052914-robmar_main.jpgSa pagbabalik ng Pinoy Big Brother sa telebisyon, maraming mga fans ang hindi maitago ang kanilang saloobin sa pagka-miss sa isa sa mga orginal hosts ng programa na si Mariel Rodriguez. Kaya naman sa panayam ng Push sa mag-asawang Robin Padilla at Mariel, natanong siya kung ano ang kanyang masasabi dito at kung may balak ba siya bumalik sa pagiging host. “Siguro, thank you, pero I think they are doing a good job there. Everyone is nasa tamang lugar siguro it’s not just for me anymore.”

Natanong din si Robin na kung sakali ay papayagan niya ba ang asawa na bumalik sa telebisyon. “Huwag muna ngayon, kapag nag-aral na ako. Nag-usap naman kami e.” Hindi na rin dinetalye ni Robin kung ano ang kanyang pag-aaralan ngunit nanindigan itong ayaw niya muna talagang bumalik ang asawa sa telebisyon. “Marami akong gustong pag-aralan. Sa ngayon kasi masaya kaming dalawang magkasama kasi kapag nagtrabaho siya, nagtrabaho ako malungkot yun.”

Hindi na rin iba ang tanong patungkol sa plano nilang mag-asawa sa pagkakaroon ng sarili nilang pamilya, ngunit nanindigan pa rin si Robin na wala pa silang balak ngayon na magkaanak. “Magiging malungkot ako nun. Huwag muna. Wala pa eh. Ako muna ngayon ang baby niya.” Tinanong din ni Robin ang asawa sa harap ng press kung nais na ba nitong magkaanak at ang sagot ni Mariel dito, “Hindi pa, hindi pa. Kapag nag-baby na hindi na ako makakapag-shopping.”

Taong 2010 nang kinasal sa India ang mag-asawa sa Taj Mahal. Maraming hindi naniniwala na magtatagal ang kanilang pagsasama at sa showbiz, aminado ang nakararami na mahirap talagang magpanatili ng magandang relasyon sa industriya. At ngayong nasa ika-apat na taon na sila bilang mag-asawa, ibinahagi ng mag-asawa kung paano nila napagtitibay ang kanilang pagsasama. Ayon kay Mariel, “Siguro we are just having fun. Nagbo-bond pa rin kami everyday. Everyday we find something new sa isa’t isa and we are really partners in everything that we do so I guess so far that’s it.” Dagdag ni Robin, “Siguro hindi ako ang kailangan tanungin sa usapin na yan. Kasi napakaganda at napakaseksi ng asawa ko talagang nag-iinit ako diyan, hindi kailangan ng apoy.” 

Sinisiguro din ni Mariel na sa kahit na anong pangyayari sa kanilang buhay ay lagi silang magkasama, “Talagang as in whatever we do, we do it together.”