• Home
  • Fresh Scoops
  • Gov. Ramil Hernandez believes former Gov. ER Ejercito is guilty

Gov. Ramil Hernandez believes former Gov. ER Ejercito is guilty

Gov. Ramil Hernandez explains why he believes former Gov. ER Ejercito is guilty

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

5/29/2014 10:11 AM
Gov. Ramil Hernandez believes former Gov. ER Ejercito is guilty


052914-ramil_main.jpgSa panayam ng Aquino and Abunda Tonight kay Gov. Ramil Hernandez, sinagot nito ang mga issue na ibinabato sa kanya. Nagbahagi rin siya ng kanyang saloobin sa pagkakaalis sa pwesto ng dating Gov. ER Ejercito ng Laguna. Si Gov. Hernandez ang Vice-Governor ng Laguna nang naatasan siya ng batas na umupong Gobernador matapos mapatalsik sa pwesto si (former) Gov. Ejercito.

Black propaganda lamang daw ang issue na malakas siya humingi ng lagay sa mga kontratista at laman sila ng casino ng kanyang asawa. Aminado siya na noong wala pa siyang tungkulin sa gobyerno ay nagagawi siya sa casino. Ibinabato na rin diumano sa kanya ang mga issue na ito simula pa 2010 nang tumakbo siyang governor sa Laguna.

Paglilinaw niya, hindi isang political move ang pagkakawala sa pwesto ni former-Governor Ejercito. “Sa parte ko po hindi po political. Unang-una wala po akong participation. Nang nakarating sa akin ang balita na may nagreklamo sa Comelec at may possibility na ako ay magbenefit, hindi po ako nagintervene. Pinabayaan ko lamang po yung proseso.” 

Sa pahayag naman ni former Gov. Ejercito na isa itong pakana ng Malacanang at Comelec, sinabi ni Gov. Hernandez na, “ganun talaga may batas po tayo e, kung ako rin ang nagkamali sigurado parurusahan din ako ng batas kaya siguro hindi po naman ganun.” 

Naniniwala si Gov. Hernandez na nagkamali si former Gov. Ejercito sapagka’t nagtitiwala siya sa findings ng Comelec. “seven-zero po, almost no doubt kaya siguro po naman mayroon silang sapat na kapasidad para po mapatunayan nila na yun pong kanilang hawak na ebidensiya ay tama.”


Maayos naman daw ang kanilang “professional relationship” ni former Gov. Ejercito. “Kapag may concern po siya sa Sangguniang Panlalawigan, ini-endorse po niya sa akin.” Aminado si Gov. Hernandez na hindi sila magkaibigan ngunit hindi naman daw ito nakakaapekto sa working relationship nila. 

Sa ngayon daw nasa Kapitolyo pa si former Gov. Ejercito, samantalang ang kanyang tanggapan ay kasalukuyang nasa Laguna Sports Complex.  Pababayaan lang daw muna niya sa ang mga nagbabarikada sa Kapitolyo. 

Tahimik lang niyang gagampanan ang kanyang tungkulin bilang Gobernador at sa ngayon ay ayaw niyang, “sagasain ang kanilang emosyon, igagalang ko po ang emosyon nila, i-express ang kanilang sarili.” At kapag naman daw humupa na ang emosyon ng mga supporters ni former Gov. Ejercito ay, “baka maisip nila na time to move on.” 

Hanggat hindi raw siya pinapababa ng Supreme Court ay maninilbihan siya bilang Governor ng Laguna. 

At mensahe niya sa mga mamayan ng Laguna ay, “ako po ay inatasan ng batas na um-assume ng office as Governor. Meron po akong tungkulin na dapat ko pong gampanan.” Pagpapatuloy pa ni Gov. Hernandez, kailangan itong respetohin ng lahat sapagka’t “liable kaming lahat sa batas.”