• Home
  • Fresh Scoops
  • Mayor Herbert Bautista on Kris Aquino: ‘We started as friends so we are still friends’

Mayor Herbert Bautista on Kris Aquino: ‘We started as friends so we are still friends’

Mayor Herbert Bautista finally talks about his short-lived romance with Kris Aquino

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

5/27/2014 11:28 PM
Mayor Herbert Bautista on Kris Aquino: ‘We started as friends so we are still friends’


052714-bert_main.jpgSa ulat ni Mario Dumaual para sa "TV Patrol," sinabi ni Vice Mayor Herbert “Bistek” Bautista na magkaibigan pa rin sila ni Kris Aquino sa kabila ng kanilang “short-lived romance.”

Ayon sa Mayor, “We started as friends so we are still friends. We try to keep in touch pero lately hindi masyado dahil busy pareho."

Nagpapasalamat diumano siya na may oras pa rin sa kanya si Kris katulad sa iba pa nitong mga kaibigan katulad ni “Derek (Ramsay) at Vice Ganda.”

Sa ngayon daw ipapasintabi muna niya ang kanyang love life. “[My priorities are] Quezon City and my kids. Mag-e-enroll na sila sa June. Kahapon kasama ko yung mga anak ko kay Eloisa, pasyal pasyal naman kami.

May apat na anak si Herbert. Ang dalawa ay anak niya sa TV and music producer na si Eloisa Matias. Ang dalawa naman ay kay Tates Gana. Noong pumutok ang issue ng “KrisTek” ay matatandaang pumunta ng Amerika si Tates kasama ng mga anak.

Binalita ni Bistek ang nalalapit na pagbabalik-bansa ng kanyang mga anak. “Babalik si Athena and Harvey on Sunday. I miss them so much.” Kwento pa ni Bistek tungkol kay Athena, “I was informed by Ateneo that nakapasok si Athena do’n because maganda ang kanyang standing.” At pangarap naman daw niya para kay Harvey ay “tumangkad” kasi ang kapatid daw nito kay Eloisa ay “matangkad at tumatangkad pa.” Dagdag pa ni Herbert patungkol kay Harvey, “dalawang buwan na siyang wala sa (Goin) Bulilit, so sana makabalik.”

WATCH VIDEO ON ABS-CBN.COM