Young actors, bina-blackmail na may mga sex video?

BY OGIE DIAZ

FRESH SCOOPS

5/26/2014 7:46 PM
Young actors, bina-blackmail na may mga sex video?


052614-ogie_main.jpgSinampulan ako ng nag-direct message sa akin sa twitter, by sending me the screen shot ng isang aspiring young actor na si Y, habang ito'y nakikipag-video chat sa isang napakagandang girl.

 Inamin ito sa akin ng naturang young actor, kaya siya mismo'y inis na inis at aminado siyang naisahan siya ng ka-video chat niyang isang magandang girl kung saan may maselang nangyari sa kanila via webcam.

At eto na, hindi pa 'yon natatapos doon. Ito pala'y ginagawang collections na eventually (wag naman sana) ay ibebenta o ipangba-blackmail sa mga sangkot na young actors para pagkaperahan ng gumawa.

Kung paanong ang "mastermind" nito ay magpapain ng magandang girl sa mga biktima niyang young actors, na ewan kung paanong nakuha ang kanilang cellphone numbers. Halos lahat ng mabighani sa girl na artistang lalake ay niyayaya nitong mag-video chat kung saan dito ay ipapakita na ng girl ang kanyang dibdib upang makumbinsi ang ka-chat na magpakita rin ng katawan nito. Hihilingin din ni girl na sabay silang magpakita ng iba pang maselang parte ng kanilang katawan at sabay na gumawa ng maseselang bagay sa kani-kanilang sarili sa harap ng webcam. 

Dito na inirerekord ng babae ang kanilang video chat hanggang sa magpaalam na sila sa isa't isa. Bitbit ng girl ang recorded video scandal ng naka-chat na aktor. Since ito ay "collector's item," heto na ang mga clues sa pangalan ng mga biktimang young actors.

 1. Nakilala sa isang matagal nang "bilog" search. Wagi pa nga ang beauty ni A.

 2. At kahit hindi naman nagwagi si J sa naturang "bilog search" ay very active naman ito 

ngayon sa paggawa ng movies and teleserye ito.

 3. Itong isa rin ay produkto ng search kung saan ang wagi ay si "Yaman-yamanan Girl." 

Mukhang wala sa itsura ni bagets actor na si A ang mag-exhibition sa harap ng webcam, pero  sorry, bahagi na ng collector's item ang kanyang maselang video.

 4. Medyo laos naman ang pangatlong si J, dahil hindi ko na siya nakikita lately. Siguro busy ngayon ito sa paghahagilap ng pang-"matrikula" para sa mga anak.

 5. Nakilala rin si R sa "ulan" este sa isang talent search, pero hindi siya wagi doon. Ano na ba ang nangyari sa kanya ngayon? Saang network na ba siya ngayon? Babalik na ba siya sa dati niyang tahanan?

 6. Na-shock ako dito kay E. Kasi, hindi ko talaga akalain na 'yang itsura niyang yan ay mauuto pa sa webcam samantalang andaming nagkakandarapa sa kanyang artistang girls huh! Gwapo naman kasi at ang lakas ng appeal eh.

Yan lang muna at kung mababasa ito ng mga young actors, baka puwedeng kausapin na nila 'yung girl na 'wag nang ipam-blackmail sa kanila ito, dahil tiyak na maapektuhan ang kanilang career habang marami naman silang gays na pinangingiti. 

Hahahaha!