• Home
  • Fresh Scoops
  • Maegan Aguilar on her father Freddie Aguilar’s wife: ‘Bakit ko siya gugustuhin?’

Maegan Aguilar on her father Freddie Aguilar’s wife: ‘Bakit ko siya gugustuhin?’

Maegan Aguilar explains why she’s angry with her father Freddie Aguilar and his wife.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

5/22/2014 9:50 AM
Maegan Aguilar on her father Freddie Aguilar’s wife: ‘Bakit ko siya gugustuhin?’


052214-Maegan_main.jpgSa Aquino and Abunda Tonight, nagsalita muli si Maegan Aguilar laban sa kanyang ama na kilalang OPM icon na si Freddie Aguilar upang, ayon sa kanya, marinig siya ng ama dahil, “he never allows me to speak.”

Nagsimula umano ang gulo ng dahil sa nabubulok na gulay sa ref. Sinabi diumano ng kanyang ama na wala siyang malasakit kasi pinabayaan niya na mabulok ang gulay. Nang magrason diumano si Maegan na, “Tay, hindi ko alam kasi hindi ko na po binubuksan ang mga ref sa kusina kasi nagagalit kayo ‘pag may nawala o ano.”

Nagalit na raw ng todo si Freddie at nabanggit pa ang 1,500 pesos na nahiram ni Maegan. Nakahiram diumano siya ng 1,500, alas-onse ng gabi, dahil lumapit ang yaya ng anak niya at nagsabing wala ng diaper at gatas at wala na siyang ready cash ng mga oras na yun. Matapos ng pagtatalo ay pinalayas diumano siya nito at ang kanyang pamilya “ora mismo.”

Nagdesisyon diumano siyang isapubliko ang pangyayari dahil, “I have no one to turn to and I want everybody to know because I never speak for myself.” Isa pa diumano, “tahimik akong musikero, pati [sa] mga masamang nangyari sa akin na yung Tatay ko rin ang may gawa. Kaya ako nagsasalita di ko ma-take na yung mga apo niya parang ginaganon din niya, binabalewala niya.

Nagmula diumano ang galit ni Maegan sa ginawang pagpapalayas sa kanya ng kanyang ama. “Akala ko hindi niya yun ibi-bring up, yung 1,500 pesos that I borrowed from him dahil mabait siyang ama e in some ways.” 

Minura pa siya diumano ni Freddie at sinabihan ng masasakit na salita. “Sinabi niya na ako ang pinakamasamang anak niya, sinabi pa niya na akala mo proud ako sa ’yo, hindi ako proud sa ’yo.” First time rin diumano na nagalit si Freddie na ang kasunod ay pagpapalayas. 

Hindi rin diumano totoo na 35 years na siyang sinusuportahan ng ama kasi 2011 lang nang bumalik siya sa bahay nila. Umalis din siya sa bahay nila noong 17 years old siya at nakitira siya sa kanyang tita. Bumalik lamang siya nang 23 years old na siya, nang iniwan ng mommy niya ang tatay niya.

Nang tanungin ni Boy Abunda kung kanino siya galit, sagot ni Maegan, “Galit ako sa kanilang dalawa. Hindi lang sa asawa ni Tatay pero mas lalo kay Tatay kasi anak niya ako, apo niya yung mga anak ko, bakit niya ako tinatratong outsider sa sarili kong bahay?”

Hindi rin daw siya pabor sa pakikipag-relasyon ng tatay niya sa isang minor-de-edad, pero sinuportahan na lang niya ito sapagka’t, “I saw he was happy and he has not been happy since my mother left him.”

Ngunit mula raw nang napangasawa ni Freddie ito, “gradually pumapangit yung mga pagpapatakbo sa bahay.” Kung dati raw nakakapasok sila sa kwarto ng tatay niya para mag-relax, ngayon daw naka-double lock na ito.

Inamin ni Maegan na hindi niya kinaibigan ang madrasta niya. “Why? I don’t need her in my life. I don’t care as long as she made my father happy, I did not care anymore.” Dagdag pa ni Maegan, “kung ako ang tatanungin ayaw ko sa kanya. Bakit ko siya gugustuhin? Taga-bundok siyang biglang nag-appear sa bahay ko.” Kinaibigan naman daw ng asawa ni Freddie ang, “younger ones kasi she thought she could influence them.”
 
Ayon pa kay Maegan, “I thought she would be a passing thing” sapagka’t dati naman daw ay decided si Freddie na maging “single for life” saka marami diumanong girlfriends ang tatay niya. Maging ang pagpapakasal diumano nito ay napanood lang nila sa TV Patrol. “He did not even tell us that he was going to get married.” 

Matapos silang palayasin ay nakitira lamang si Maegan at ang kanyang pamilya sa kanyang “soul brother” na kabanda niya at naka-electric fan lang sila ng kanyang mga anak sa second floor ng bahay nito, kaya raw nagka-allergies sila ng mga anak niya. Ngayon naman ay tumutuloy sila sa isang hotel sa tulong ng kanyang ina, habang naghahanap sila nang malilipatan.

Alam ni Maegan na sinisira niya ang reputasyon niya at ng kanyang ama sa pagsasapubliko niya ng mga naganap sa pagitan nila. Hindi rin daw totoo na mahal siya ng kanyang ama. “That’s a lie, because if he loves me why would he throw me out of the house with my children? It doesn’t even sound like love. (It’s) a twisted psychotic thing.” 

Natutunan ni Maegan sa mga nangyari na “you are alone and you have to carry yourself.”