Andi Eigenmann denies any issues linking her and Tom Taus

Andi Eigenmann says that there is nothing going on with her and Tom Taus and that they are just childhood friends.

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

5/21/2014 8:37 AM
Andi Eigenmann denies any issues linking her and Tom Taus


052114-Andi_main.jpg
Sa panayam ng ilang press kay Andi Eigenmann binigyang-linaw niya ang ilang mga lumalabas na balitang may namamagitan sa kanila ng dating child star at ngayon ay DJ na si Tom Taus. Nag-umpisa ito nang nag-post si Andi sa kanyang Instagram account ng litrato nilang dalawa ni Tom. Lalo pang tumindi ang espekulasyon dahil din sa mga lumalabas na balitang nagkalabuan na sila ng sinasabing karelasyon ni Andi na si Jake Ejercito.

“Before kasi nagkita kami [sa isang] event and we have known each other ever since we were kids. Naghahang-out kami, we just basically reunited as friends,” paliwanag ni Andi tungkol kay Tom. Itinanggi din ni Andi na madalas silang magkita at lumalabas ni Tom. “No, actually nagkataon lang yun kasi sa events nagkikita kami pero it’s not the type na regularly nangyayari yun... I am really busy talaga so nagkataon lang yun pero ngayon I really don’t have time, I really don’t have time to go out or hang out with my friends.” 

At nang diretsuhin siyang tanungin ng Push kung talaga bang nanliligaw na si Tom sa kanya at kung may namamagitan na sa kanilang dalawa, ang kanyang diretsong sagot, “No!”

Pagdating naman sa lagay nilang dalawa ng napapabalitang karelasyon na si Jake, “Ganun pa rin”, na kinumpirmang nasa maayos at positibong lugar kung anuman ang namamagitan sa kanila, “I would like to say that. Basta I am happy with my life right now.” Dagdag pa ni Andi, “I think with Jake what you see is what you get na lang. Follow niyo na lang kami sa Instagram dun niyo na lang makikita kung ano ang nangyayari sa amin.

Itinanggi din na Andi na apektado si Jake sa mga lumalabas na balita tungkol sa kanila ni Tom. “Jake knows that Tom is my friend and that I have known him ever since.

Matatandaang may mga posts si Andi sa kanyang Instagram account na tila nagpapahiwatig na may pinagdadaanang mabigat at hindi maganda ang aktres. Kaya naman ngayong, ayon sa kanya, ay naayos na ang lahat, normal lang na may mga pinagdadaanan din sila ni Jake. “Well, ano, normal na lang naman na yun eh. This has been going on for years, guessing game na sa atin yun eh kung ano ba talaga ang ganap sa amin ni Jake. I was never really able to give definite answer pero yun nga sa Instagram, sa Twitter nakikita niyo naman yung nangyayari sa amin. Hindi naman pwede na smooth na masaya lang kayo forever, may mga obstacles yan.”