Showbiz couple, hiwalay na nga ba?

BY OGIE DIAZ

FRESH SCOOPS

5/20/2014 2:50 PM
Showbiz couple, hiwalay na nga ba?


052014-ogie.jpgTotoo bang hiwalay na ang showbiz couple na ito? Sana hindi totoong "firm" na ang magandang aktres sa kanyang desisyon na kahit pa kasal sila at meron na silang mga anak ay "ayaw na" niya talaga. 

Ang sabi ng source, after the guy admitted to his wife na yes, totoo ang nababalitaan ni misis na merong "kinakalantaring" iba si mister ay naiyak sa galit si misis at super hingi naman ng forgiveness si mister, kaso buo na raw ang desisyon nitong makipaghiwalay. 

Isang magandang non-showbiz bagets daw ngayon ang kinikita ni guwapong mister at na-in love na rin daw si guy kay bagets. Kaso, kung maghihiwalay sila, paano na ang kanilang kakakyut na mga anak? 

Simple lamang daw ang ganap sa loob ng bahay. Para hindi masyadong maapektuhan ang mga bata ay hiwalay ng kwarto ang mag-asawa. Eh, sabi ko nga, pag ganyan ang setup, nagpapalamig lang ang dalawang yan hanggang sa humupa at magkakabati rin ang mga yan. 

Well, sana nga, magkabati, pero sobrang affected din daw si mister. Kung kani-kanino na ito nagsusumbong na common friends nila ni misis para ilakad siya at balikan uli siya. 

Sana nga, part lang ito ng pagsubok sa kanilang buhay, lalo na't si mister ay aminin naman nating "super asim" pa at kahit sinong bagets yata ay papangarapin siyang makasama kahit isang gabi lang. 

Eh, si misis, kahit may mga anak na, hindi pa rin nagbabago ang mukha. Maganda pa rin at beauty queen na beauty queen pa rin ang peg. Ano pa ba ang kulang at naghahanap pa ng iba si mister? 

Sana, ipaglaban ni misis na huwag mawasak ang kanyang pamilya, kaya agarin sana nilang maplantsa ang gusot.