• Home
  • Fresh Scoops
  • Atty. Alma Mallonga: ‘Walang tulakan, walang hablutan ng T-shirt at walang yugyugan'

Atty. Alma Mallonga: ‘Walang tulakan, walang hablutan ng T-shirt at walang yugyugan'

Atty. Alma Mallonga recounts what happened between her and Deniece Cornejo’s grandmother.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

5/20/2014 8:20 AM
Atty. Alma Mallonga: ‘Walang tulakan, walang hablutan ng T-shirt at walang yugyugan'



052014-mallonga_main.jpg
Pinaunlakan ng abogado ni Vhong Navarro na si Atty. Alma  Mallonga ang pagdalaw sa Bandila upang bigyang linaw ang mga issue na kinasasangkutan niya.

Una, Ikinuwento ni Atty. Mallonga ang naganap sa Taguig Regional Trial Court sa pagitan niya at ng lola ni Deniece Cornejo na si Florencia Cornejo. Ayon kay Atty. Mallonga, walang nangyaring pagtulak, pagyugyog at pagahablot ng araw na iyon. Hindi rin diumano totoo na ang sinabi ni Atty. Ferdinand Topacio na hinaharang niya papalabas ng comfort room si Lola Florencia.

Nagkaroon daw kasi ng break at pumunta sa men’s room si Vhong at pumunta rin sa women’s room si Lola Florencia. Aminado si Atty. Mallonga, na nangangamba sila na baka abangan muli ni Lola Florencia si Vhong sapagka’t ginawa na niya ito dati na sigawan at akusahan si Vhong. Sinundan diumano nila ito upang masigurado na hindi na mauulit muli ang pangyayari para na rin huwag mawala ang focus ni Vhong sa pag-testify sa korte.

Tinawagan diumano niya ang isang prosecutor Valdez upang puntahan nila at masiguro na walang magaganap na kaguluhan, ngunit “we weren’t there na parang nakaharang.Noon nga raw na lumabas si Vhong saka lang rin lumabas ng comfort room si Lola Florencia..

Inamin ni Atty. Mallonga na tinanong niya si Lola Florencia tungkol sa t-shirt. Ani Atty. Mallonga, “Ma’am ano ho yang suot ninyo di po ba nagsabi na ang judge before na kung pwede…” sinagot naman daw ito ni Lola Florencia ng tungkol sa “right to free expression.” Matapos noon Lola Florencia “squeezed past me.” Yoon lamang daw ang nangyari at nandoon pa noon si Prosecutor Valdez na nakakita ng buong pangyayari.

Sa tanong naman kung magiging state witness si Deniece, sinabi ni Atty. Mallonga na “I don’t think we need a state witness” saka diumano nasa korte na kung papayagan nila maging state witness si Deniece, ang isang witness diumano ay kinakailangang “least guilty.” Hindi na rin inaalala ni Atty. Mallonga ang mga rape cases laban kay Vhong hindi dahil nagyayabang siya kundi, “ dahil it’s so clear to me what is required in orderfor a case to move forward …” and sigurado diumano siya na ang mga kasong ito, “were filed for distracting and discouraging Vhong..”
052014-mallonga_main.jpgAyon pa kay Atty. Mallonga, sa palagay niya nandoon pa rin ang takot kay Vhong dahil wala naman nakakasiguro kung 100% safe na siya. Sa yes and no portion ng interview, matapang na sinagot ni Atty. Mallonga ang mga katanungan. Sa tingin niya hindi dapat payagan ng korte na magpyansa ang kampo nina Cedric Lee. Nahirapan diumano siya sa kaso ni Vhong sapagka’t maraming nang-iintriga ngunit hindi niya pinagsisisihan ang pagtanggap dito. Hindi rin willing ang kampo ni Vhong na areglohin at ihinto ang kaso kahit na nagkaroon na diumano ng attempt si Cedric Lee na gawin ito.

Isang malaking katanungan rin kung isang contradiction ang paglaban niya kay Deniece na nagsasabing isa siyang rape victim, gayong isang kilalang women’s right advocate si Atty. Mallonga. Sinabi niya na hindi sapagka’t kinausap niya diumano si Vhong at malinaw sa kanya, "this is a crime committed against Vhong. If this had been a rape case I would not have accepted it.” Hindi rin diumano madali ito para sa kanya sapagka’t “itong mga nakikita natin na obviously, palpably walang kaso does not make me happy and it does a lot to damage the cause of women.”
Paalalap pa ni Atty. Mallonga na ang mahalagang nangyari ng araw na iyon ay hindi ang sinasabing naganap sa pagitan nila ng lola ni Deniece kundi ang pag-testify ni Vhong mula 2:30pm hanggang 10:00pm. “I am very proud of Vhong,” ani Atty. Mallonga. Maging sa cross-examination diumano, “he was able to fortify his story.”

Sinagot rin ni Atty. Mallonga ng diretsa ang mga mas mapangahas na tanong. Sinabi niya na hindi guilty si Rod Strunk sa pagpatay kay Nida Blanca. Hindi rin siya tumatanggap ng client na sa tingin niya ay “guilty.” Sa tingin rin niya ang sinasabing John Doe ay si Edgardo Sampana, at sa tingin niya dapat mahuli pa ang nagtatagong si JP Calma, na isasa mga akusado. Sigurado rin siya na maipapakulong nila sila Cedric Lee.