Megan Aguilar airs grievance against father Freddie

Megan Aguilar blames Freddie's young wife for her father's mistreatment of her and her family.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

5/19/2014 10:27 PM
Megan Aguilar airs grievance against father Freddie


051914-agui_main.jpgSa ulat sa TV Patrol, masama ang loob ng singer na si Megan Aguilar sa kanyang ama na si Freddie Aguilar. Pinalayas diumano siya nito sa bahay nila sa Fairview, Quezon City noong isang linggo.
 
Ayon kay Megan ang pinagmulan ng away nila ng kanyang ama ay ang nabulok na gulay sa kanilang ref. Dagdag pa ni Megan, "Nagawa niya yun kahit 6 months lang ang baby ko at three years old (ang isa), pareho pang mga babae."

Wala na diumano sa ayos ang ama at ang sinisisi niya ay ang 'asawang bata' ni Freddie sapagkat, "Simula noong naging sila, gradually sumasama na ng sumasama ang ugali ng tatay ko." Kwento pa ni Megan, "Ang sistema sa bahay niya sa Fairview, kanya-kanya kami ng pagkain dahil nila-lock nila yung pagkain sa taas. Nakaranas na yata yung anak ko kumain ng toyo with rice."

Kasalukuyan ngayong nasa hotel si Megan at ang kanyang pamilya bago siya maghanap ng trabaho at bagong bahay.
 
Nagpadala naman ng mensahe si Freddie at sinabi nito na nalulungkot siyang inilabas pa ni Megan sa media ang nangyari sa kanila. Ayon sa kanya, matagal na niyang sinusuportahan si Megan pati pamilya nito at hiling niya para kay Megan ay all the best sa bagong yugto ng buhay nito.

WATCH VIDEO ON ABS-CBN.COM