• Home
  • Fresh Scoops
  • Julia Montes at Coco Martin, anong nangyari sa kanilang dalawa?

Julia Montes at Coco Martin, anong nangyari sa kanilang dalawa?

Mula nang maging magkatambal sina Coco Martin at Julia Montes sa teleserye at pelikula, naging usap-usapan na ang posibleng “romantic connection” nila.

BY DARLA SAULER

FRESH SCOOPS

5/19/2014 7:02 PM
Julia Montes at Coco Martin, anong nangyari sa kanilang dalawa?


051914-darla.jpgMula nang maging magkatambal sina Coco Martin at Julia Montes sa teleserye at pelikula, naging usap-usapan na ang posibleng “romantic connection” nila. Pero mula sa pagkaka-link na ito, wala na ulit tayong narinig tungkol sa kanila.

Sa interview ni Boy Abunda kay Coco, inamin ni ng Maybe This Time star na hindi na nga nag-progress kung anuman ang meron between him and Julia.

“Wala eh, hindi ko naano… hindi din umabot dun Tito Boy eh. Mas siguro dahil magkatrabaho kami mas naging komportable kami sa ganoong sitwasyon,” sabi ni Coco.

Pero aminado naman ang award-winning actor na binalak niyang ligawan ang aktres. “Maganda e,  oo naman diba? (laughs) Bakit naman hindi kaso andun yung the more na nakikilala mo si Julia dun mo nare-realize na parang bata pa siya, lalo na sa trabaho natin ngayon… Ni sa sarili ko wala akong panahon  kapag pinasok ko yan alam ko wala ring mangyayari. Nagpakamature na ako, mas gusto ko na yung magkaibigan tayo, mas mahaba yun di ba malay mo, malay natin pag nakita ko na parang decided na ako lumagay sa maayos, sa tahimik, eh siya, parang matured enough na,” pagtatapos ng aktor.

Isa pang nakakatuwang trivia na lumabas sa usapan nina Tito Boy at Coco ay ang tungkol sa hindi pagkahilig ni Coco na mag-party ngayon. Nag-ugat pala ito sa hindi malimutang experience ni Coco.

“I think mga 14 ako, kasi separated ang parents ko, minsan lang kami magkita ng mommy ko sa Pampanga. Siyempre dahil kahit papano gusto niya bumawi. Eh November 1 yun Tito Boy, nandun lahat ng kamag-anak naming. Siya lahat ang nag-prepara. Tapos walang nagpunta. Actually hindi ako nasaktan kasi hindi ako mahilig magparty, nasaktan ako sa ginawa ng magulang tapos alam mo yun nakita ko sa kanya the way na na-disappoint… lahat  ng niluto niya na spaghetti, mga manok, walang kumain. Pinamigay lang namin sa mga kapitbahay,” kwento ni Coco.

Sa mga nakwento niya mas lalo kong minahal si Coco. Napaka-humble, at totoo. Kaya suportahan po natin ang pelikula ni Bebe Girl Sarah Geronimo, ang Maybe This Time, showing na on May 28.