• Home
  • Fresh Scoops
  • Vice Ganda on his ex-bf: ‘Forever ko siyang magiging friend’

Vice Ganda on his ex-bf: ‘Forever ko siyang magiging friend’

Vice says, ‘We want the world to know na wala na’

BY PATTY RAMIREZ

FRESH SCOOPS

5/18/2014 11:50 PM
Vice Ganda on his ex-bf: ‘Forever ko siyang magiging friend’


051814-vice_main.jpgSa kanyang interview sa The Buzz nitong Linggo, pinakwento ng host na si Kris Aquino kay Vice Ganda kung paano nagsimula ang love story nila ng kanyang ex-boyfriend at bakit ito nagwakas. Kaka-break lang kasi ni Vice sa kanyang boyfriend of 5 years. 

Alam mo nakaka-teen star ‘to, ‘di ako si Kathryn Bernardo. Nakaka-Kathryn [Bernardo], nakaka-Daniel [Padilla],” panimula ng komedyante. “Nagmeet kami common friends. Nanood ako ng game.” 

Pagpapatuloy ni Vice nagsimula sila ng ex niya bilang magkaibigan. “Pero kaibi-kaibigan lang. Tapos nagpunta sila ng Showtime, nanood sila. Nagchikahan… ayun naging magkaibigan, chikahan. Natuwa siya sa akin. Nagandahan siya sa akin. Hindi na niya napigilan. Marupok siya, mapusok ako,” pagbibiro pa nito. 

Mutual decision daw ang kanilang paghihiwalay. “Kasi I believe the only way to keep him is to let him go…Nagclick na kami. Ang ganda ng samahan namin. Feeling ko yun na yun,” paliwanag pa ni Vice.

Sabi din ng Showtime host na naging madali naman sa kanila ang pag move on dahil nga magkaibigan sila until now. “Kaya namin pareho kasi matalik kaming magkaibigan. Tapos, para sa kanya din. Maexplore niya ang life niya, marami siyang magawa.”

Lahat naman daw ng ex-boyfriend ni Vice ay kaibigan niya. Dagdag pa niya, “We have separated but we are never apart. Forever ko siyang magiging friend. Mabuting tao yun.”  

Nagbigay daw ng clue si Vice sa initials ng kanyang ex-BF sa Twitter sa kanyang mga madadamdaming posts at nagbiro si Vice na typo lamang daw yun. 

Talagang pinalaya na daw niya ang kanyang ex, di lang dahil nakikilala na ito sa larangan ng basketball.  Kelangan din daw mag move on para na din sa mabuting kapakanan nilang dalawa. 

 “Kasi nga ang hirap makamove on kapag naassociate na kami sa isa’t isa. Ako gusto ko siya magka girlfriend. Gusto ko siya magka-asawa. Lahat ng chi-chikahin niya, lahat ng kakaibiganin niya, sasabihin sa kanya, nako meron ka naman ganyan, kayo rin naman ni ganyan,” sabi ni Vice. “We both want the world to know na wala na.  We’re friends. I swear wala na talaga. Actually mas good for him. Maganda talaga to para sa kanya, mas para sa kanya to kesa para sa akin. Mabait kasi talaga yun kaya gusto kong manormalize siya. Mahirap sa sitwasyon na dyowa mo si Vice Ganda,si Angel Locsin, Si Anne Curtis,” patuloy pa ni Vice, na nakuha pang magbiro ulit.  

Sa mensahe niya para sa kanyang ex-boyfriend, walang ibang hangad si Vice kundi mapabuti ang buhay nito. “I wish him luck. Gusto ko siyang maging masaya habang buhay. Gusto ko ma-achieve niya, ang dami kasi niya kasing plano. Madami siyang gusto puntahan, maraming gusto kilalanin. Mas magagawa niya yun kasi malayang-malaya na siya, malaya na kami pareho. Habang buhay ko siyang panonoorin na umaangat, habang buhay akong pumapalakpak habang umaakyat siya.” 

Sa huli naman umamin si Vice na meron siyang inspirasyon.  “Meron akong natitipuhan pero wala akong dyowa.”