• Home
  • Fresh Scoops
  • Kris Aquino: ‘I don’t just want a label, I want a title’

Kris Aquino: ‘I don’t just want a label, I want a title’

Kris is mum about the person who is making her happy.

BY PATTY RAMIREZ

FRESH SCOOPS

5/18/2014 7:04 PM
Kris Aquino: ‘I don’t just want a label, I want a title’


051814-kris_main.jpgNaging diskusyon nang Linggo ng gabi ang labels at relasyon ng ilang artista sa POV segment ng The Buzz. Hindi napigilan na mapa-comment ang Buzz host na si Kris Aquino tungkol sa hindi paglalagay ng labels ng ilang artista sa kani-kanilang mga relasyon.  

Kasi nabasa ko din yun eh. Di ba ang lupa hindi sa iyo kung walang titulo? So kung ang lalaki di binibigay ang last name sa ‘yo, wala ka pa din karapatan. Gusto ko ibigay mo sa kin ang last name mo ha,” natatawang sinabi ni Kris. 

Pinilit ibalik ng Buzz host na si Boy Abunda ang usapan sa kanilang topic dahil aminado ito na kinakabahan siya sa mga pahayag ng co-host.  

Pagpapatuloy pa ni Kris, “Yung boyfriend and girlfriend pwede pa mag-split. Ang hirap din magpa-annul. So once may titulo ka, once you are Mrs. So and So, yun na yun.” 

Sa usaping gusto maging private ng mga relasyon ng artista, nagkumento din ang nagbabalik na The Buzz host na si Toni Gonzaga ng, “You can’t have a private relationship in a public arena” na enthusiastically na sinagot ni Kris ng “I agree Celestine! You are correct! I agree. Wag na tayo mag-ilusyon lahat. Like if you are a public official” na tila ba may pinatatamaan. 

Sinabi naman ni Boy na magulo ang publiko sa gusto nila para sa kanilang idolo pagdating sa buhay pag-ibig. “Pag magkasama, pinaghihiwalay. Magkahiwalay pinagsasama ulit,” mariing sabi ng host na muling napareact ang Queen of All Media ukol sa nangyayari sa kanila ng kanyang ex-hubby na si James Yap. 

Ito lang ha, para once and for all, kasi I feel so uncomfortable everytime they post about James Yap and me, saying na asana magkabalikan kayo because even today Boy, Mother Lily called me and said, ‘Kris di tuloy yun Derek, ba’t di ka pinayagan. Kayo na lang ni James ang mag movie. Sabi ko, ‘OMG Mother, wag naman. We are all happy. Honestly, kung ang anak naming na si Bimby, tanggap yung girlfriend ni James, tinatawag si James at yung girlfriend niya, ‘Hey, the lovebirds,’ ganun, let’s all be happy, let’s all move on. We are at a good place, he’s happy, I am happy and the most important thing is Bimb is happy,” sabi ni Kris. 

Nang tanungin ng fellow Buzz hosts ng, “Who makes you happy?” mukhang sa pagkakataong ito ay tikom ang bibig ni Kris. 

“Sinabi ko na yun kagabi ‘di ba? Bumabalik ako dito mas matalino na, mas marami nang napagdaanan, mas mature na. Kung sino man ang nagpapaligaya sa akin, itatago ko na lang siya dito sa puso ko,” maiksing sagot niya. 

“Di na ko nate-tense,” ang masayang reaksyon ni Boy sa sagot ng kaibigan.