Coco Martin says he felt sad for Katherine Luna’s son

After a negative DNA test, the actor says he felt bad because all this time the child believed Coco was his father.

BY PATTY RAMIREZ

FRESH SCOOPS

5/18/2014 11:55 PM
Coco Martin says he felt sad for Katherine Luna’s son


051814-coco_main.jpgSa exclusibong panayam ni Boy Abunda kay Coco Martin sa The Buzz nitong Linggo, sinagot ng aktor ang mga isyung matagal nang hinahanapang ng publiko ng mga kasagutan. 

Unang hinarap ni Coco ang isyung kinakasangkutan niya at ng Superstar na si Nora Aunor. Nagkatrabaho ang dalawa sa pelikulang Padre De Pamilya nitong taon lang. Pero nagkaroon daw ng di pagkakaunawan ang dalawa dahil sa mga bali-balita na inutangan daw ng beteranang aktres si Coco. 

Napakaganda po ng pagsasama naming hanggan sa natapos yung pelikula, nagtatawagan pa kami, nagtetextan tapos ito lang May, mga 3 weeks ago, or 4 weeks ago tumawag sa akin na may issue nga kay Ate Guy… Kaya ako naiinis, kilala niyo ba yung taong sinasabihan niyo? Kasi hindi maganda eh,” sabi ni Coco. 

Pinabulaanan ng aktor na may utang nga sa kanya si Ate Guy at di niya ito pinapansin. “Hindi po. Nagtext ako kay Ate Guy, and then humingi ako ng sorry. Ang haba ng text ko. Di ko alam nagtext pala siya sa akin, 3 beses. Kaso ang problema, di ko natanggap. Una, may utang na loob ako sa tao. Kasama ko siya sa pelikula, pumayag siya na makasama ko siya. Napakalaki ng utang na loob ko sa taong yun, hindi ko magagawa na di ko siya pansinin.”

Aalamin daw ng Ikaw Lamang star ang puno’t dulo ng isyu. “Alam ko nagtatampo siya sa kin. Hindi ako papayag na hindi ko naka-klaro, hindi ko nalilinis. Kung sino man ang sumulat nun para sirain siya.” 
051814-coco3_main.jpgSa isyu naman na may anak siya sa aktres na si Katherine Luna, ikinwento niya mula sa umpisa kung paano sila nagkaroon ng ugnayan ni Katherine. “Nagsimula kasi yun Tito Boy, nagkamali ako. Bata ka, naging mapusok ka. Ito pala ang showbiz, masaya,  puno ng temptasyon. May nangyari na isang bagay na hindi maganda tapos nagstart lahat dun. Magkasama lang kami sa movie. Hindi kami magboyfriend. Sabi ko nga dahil sa kabataan, labas labas, gimik gimik, may nangyari na ‘di namin inaasahan.” 

Di naman daw kinwestyon ni Coco si Katherine kung siya nga ba ang ama ng pinagbubuntis nito dahil ang una sa isip niya ay makatulong dito. “Nung time na sinabi niya sa kin na nagdadalang tao siya, di ako nagtanong, na parang akin ba to? Sinabi ko lang anong gagawin natin? Ano gusto mong maitutulong ko sa yo? Kasi wala naman kami relasyon. Dahil ano pa ko nun, college eh, ano una kong itutulong? Vitamins? Ano bang vitamins para sa buntis?  Yun ang nasa isip ko, pagkain, kelangan niya ng pagkain. Wala akong trabaho nun Tito Boy, studyante lang ako nun, paraket raket lang ako sa mga pelikula, pa indie, indie. Di ko alam kikitain ko. Ayun tinulungan ko siya sa abot ng makakaya ko. Nung akala ko, ganun set up namin dahil wala kaming relasyon, kelangan ko panindigan, ayoko maranasan ng magiging anak ko yung naranasan ko na walang nag-guide sa kin kundi Lola ko dahil separated yung parents ko

Dahil sinabi niya sa kin na buntis niya, alam ko akin. Ayun sinabi niya sa lahat ng interviews niya  ang ama ng anak ko si Coco Martin, at that time di pa ko kilala lahat ng panlalait, masasakit na salita inabot ko. Sabi ko nga nagsisimula pa lang ako, ang dumi dumi na ng pangalan ko. Hindi pa talaga ako nakikita ng mga tao, kung sino talaga ako, sira na ko. Siyempre pag lumalabas ako sa bahay, ‘Oh nakabuntis ka daw?’ may pinanghuhugutan na di alam ng mga tao nakaakibat nun, inaakusahan ako ng ganun, ginagawa ko naman responsibilidad ko. Ilang beses ako nagtry, nun pagkabuntis siya, hanggang ilang buwan na yung dinadala niya sa tiyan, ang dami niyang sinasabi sa kin. Hanggang sa nanganak siya, andun ako sa tabi niya. Pero every time iniinterview siya sa TV wala ako, pero andun ako. Ako naman bilang lalaki ayoko patulan. Ayoko i-defend yun sarili ko, hindi ko dapat i-defend yung sarili ko kasi alam ko yung totoo. Hanggang dumating yun time, nanganak na siya, nagtry ako mag-ano, every time na ginagawa ko yung part ko, kaakibat nun masasakit na salita ang sinasabi niya sa TV.” 

Nang magkaroon na ng pangalan si Coco, naisipan niya na kupkupin na ang sinasabing anak niya sa aktres. Pero pinayuhan siya ng kanyang manager na si Biboy Arboleda na idaan ito sa legal na proseso. “Then dumating yun time nagsho-shoot ako ng Born To Love You sa Luneta, dumating yung bata tsaka yung lola, gusto ko mangyari ibigay ko yung best sa magiging anak ko, kaya kinausap ko na yung lola kung maari kung ibibigay nila sa akin, mabigyan ko ng tamang guidance, kahit papano makatulong ako, mabigay ko yung mga pangangailangan niya. Sa sobrang excited ko, tinawagan ko manager ko, sabi ko ‘Mother nakausap ko yung bata, pwede ko na makuha yung bata. Sinabi sa kin ni Mother Bibs, ‘Teka lang, hindi ganun kadali yun. Kelangan natin idaan yan sa legal na sitwasyon. Ang sabi niya kung talagang desidido ka, e di kakausapin natin, pa-DNA muna natin. 

Ayun kinausap namin yun lola and pumayag na ipa-DNA yung bata. Negative. ‘Di ko anak yung bata. Honestly, nasaktan ako dahil bumalik sa akin lahat ng nakaraan. Di ba sabi ko, yung masasakit na salita na inabot ko sa iba’t ibang opinion ng tao, di ba pati lola ko lumabas kasi nga parang napaka-iresponsable ko, yun ang tingin sa kin ng ibang tao. And may point, iniisip mo din yung bata. Kasi lahat ng kalaro niya, lahat ng kamag-anak niya, kapag napapanood niya ako sa TV I’m sure, ‘Yan Daddy ko.’ Di ba, hindi lang ako eh, ang laking damage na nangyari. Siyempre on my part gusto ko akuin yung bata. Kasi wala siyang kasalanan eh. And di ko din alam anong pwedeng puntahan ngayon, paano na ngayon siya, yung pinaka inaasahan niya na hope wala pala,” malungkot na lahad ni Coco.
051814-coco2_main.jpgNaikwento na rin ni Coco ang estado ng kanyang pamilya na pilit niyang pinagkakaisa kahit naghiwalay na ng matagal ng kanyang mga magulang. Mas maganda daw na naging magkaibigan ang kanyang magulang at nagkakaroon sila ng pagkakataon na magkita as one family kahit papano. 

Wala daw love life si Coco by choice dahil gusto muna niya makapagipon at magconcentrate sa trabaho. Marami naman daw oras para sa pag-ibig kapag natupad na niya ang kanyang mga plano sa buhay. Malayo na daw ang narating ni Coco sa kanyang dating buhay. Kahit daw mawalan siya ng trabaho bukas, ay pwede na siyang mabuhay ng matiwasay. 

Sobrang excited na si Coco sa kanyang new movie with Sarah Geronimo na May Be This Time. Malaki na daw ang pinagbago ni Sarah dahil na rin daw siguro sa mga pinagdadaanan nito sa buhay. “Babaeng-babae na siya ngayon,” sabi pa ni Coco. 

Showing na sa lahat ng sinehan ang Maybe This Time sa May 28.