• Home
  • Fresh Scoops
  • ‘Maria Leonora Teresa’ is Star Cinema’s new drama horror movie

‘Maria Leonora Teresa’ is Star Cinema’s new drama horror movie

Wenn Deramas, the director of the upcoming horror-drama movie ‘Maria Leonora Teresa’ confesses he personally approved of the stars appearing in the movie

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

5/18/2014 1:13 AM
‘Maria Leonora Teresa’ is Star Cinema’s new drama horror movie


051814-wenn_main.jpgSa ginanap na story conference para sa pinakabagong pelikula ng Star Cinema na Maria Leonora Teresa na gagawin sa ilalim ng direksyon ng box-office director na si Wenn Deramas, ibinahagi nila ang ilan sa aabangan dito. “Meron kaming bagong pelikula, ang Star Cinema, ako at ang mga artista na nakikita niyo ngayon dito, si ‘Izanjoe’, si Iza (Calzado), Zanjoe (Marudo) and Jodi (Sta.Maria) and Dante Ponce ang Maria Leonora Teresa. Isa po siyang straight drama horror na pelikula. Kasi tungkol sa manyika yung kuwento namin, tungkol sa tatlong nanay.”

At nagbigay ng pasilip ang cast sa mga gagampanan nilang mga karakter na inumpisahan ni Zanjoe Marudo. “Ako dito si Julio, ako yung magulang ni Leonora. Anak siya ng matalik kong kaibigan at inaalagaan ko siya at mahal na mahal ko siya at ayaw ko siya na mawala. Ganun katindi yung kapit ko sa bata.”

Isang ina din ang karakter dito ni Iza Calzado. “Ako naman nanay ni Maria and I come from a relatively rich family, kami ang may-ari ng school at asawa ko dito si Stanley played by Dante, and of course I love my child. Who does not love their child? At yun din, mahal ko ang anak ko at magkakakilala kami dito, magkakaibigan kami because our children go to one school na pagmamay-ari namin.”

At sa nagbabalik-pelikula na si Jodi, isang horror film din ang huli niyang naging pelikula. “Ako naman dito si Stella, isa siyang very protective at super involved na mom sa buhay ng kanyang anak na si Teresa.”

Hindi man masyadong nagbigay pa ng detalye si Direk Wenn at ang cast, ipinagmamalaki ni Direk Wenn na unang pasa pa lang nila sa Star Cinema ng draft ng script, aprubado na ito na hindi kadalasang nangyayari. Maging ang mga artista gaganap sa pelikula ay pinili ng mabuti ni Direk Wenn at ng Star Cinema. “Ang lahat naman niyan ay dumadaan sa Star Cinema siyempre, ang pipili tapos ipapa-approve na lamang sila kung okay naman sa akin at lahat naman ito mga okay na artista at mga mahal ko at nakasama na at mababait at inuunahan ko na nga sila dito nung storycon na ang kailangan ko dito artistang mababait kasi mahirap yung project. Malaki at mahirap yung project so kailangan ko mga santo at santa dito para mai-tindig naming yung project dito.” 


Kilala si Direk Wenn sa paggawa ng mga blockbuster comedy films tulad ng Tanging Ina Mo series, Praybeyt Benjamin at Sisterakas kaya naman nang matanong siya kung bakit biglang isang horror-comedy ang kanyang gagawin niya, “Kahit na anong bagay kapag yun at yun ang ginagawa mo, hindi sawa e, kasi never ko naman pinagsawaan ang comedies na ginawa ko at nagda-drama din naman sa TV. Tinanong lang naman ako ng Star Cinema kung ano ang gusto kong gawin so nung sinabi ko ito, dinivelop at sinulat din naman ng magaling kong writer na si Keiko Aquino at napakaganda ng mga resulta ng mga sumunod. Agad-agad inapprove ng Star at nakapag-shooting na kami.” 

Itinanggi ni Direk Wenn na ang pelikulang ito ay pang-Metro Manila Film Festival ngunit kinumpirma naman ng director na mula siyang gagawa ng pelikula na pang-Metro Manila Film Festival para sa taong ito.