• Home
  • Fresh Scoops
  • Jodi Sta. Maria speaks up about ex-husband Pampy Lacson and Iwa Moto’s alleged split

Jodi Sta. Maria speaks up about ex-husband Pampy Lacson and Iwa Moto’s alleged split

Jodi Sta. Maria does not want to comment on ex-husband Pampy Lacson and Iwa Moto’s alleged split, but wishes them the best of luck.

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

5/18/2014 1:21 AM
Jodi Sta. Maria speaks up about ex-husband Pampy Lacson and Iwa Moto’s alleged split


051814-JODI_main.jpgKwento ni Jodi Sta. Maria na noong nakaraang Mother’s Day ay nagkasakit siya. “I was sick on Mother’s Day so buong araw lang ako nasa room so hindi na natuloy lahat ng Mother’s Day plans namin ni Thirdy saka ng mom ko.”

Ibinhagi din ni Jodi ang mga dapat sana ay gagawin nilang mag-ina noong araw na iyon na hindi na natuloy dahil sa kanyang food poisoning. “Sa morning mag-attend kami ng service sa church then after nun may cookout sa house so we invited over our friends there so ending yung pag-invite sa kanila ay pagbisita na lang sa akin bilang may sakit ako.”

Ibinahagi din ni Jodi na nakatanggap din siya ng regalo galing sa espesyal na tao sa buhay niya na si Jolo Revilla. “I got flowers, I got drawings from Thirdy, some gifts from my friends so yun, yung mga taong bumisita sa bahay sila din ang nagbigay ng regalo. May mga nagbigay din ng prutas.”

Naitanong na nga rin kung napag-uusapan ba nila ni Jolo ang paglalagay sa tahimik at pagkakaroon ng sarili din nilang pamilya. “No, not really. Actually may mga nagtanong na rin at nasagot ko na, na kung anong meron kami we are taking it slow.”

Hindi rin nagpapadala si Jodi sa pressure ng pagpapamilya. “Hindi naman talaga sa lumagay sa tahimik, alam mo yun, mas mag-lie low sa trabaho para mas maka-focus din kay Thirdy.”

May naisulat din kamakailan na nagsasabing ang trato ni Jolo kay Jodi ay parang tunay na maybahay na ng bise-gobernador ng Cavite, kaya naman ng kuhanan ng Push ng reaksiyon si Jodi tungkol dito, “Siyempre it feels good to be welcomed naman talaga sa isang family ‘di ba and siyempre yung pagtrato, sino ba namang babae ang hindi gugustuhin na maayos ang pagtrato sa kanya ng isang lalaki.”

Hindi na rin nakaligtas si Jodi sa isyu ng dating asawa na si Pampy Lacson at ang karelasyong nitong si Iwa Moto. Kumalat diumano ang mga balitang hiwalay na sina Pampy at Iwa. Kaya naman ang nasabi na lamang ng aktres sa isyu, “Alam mo kasi hindi, wala ako sa posisyon para magmeddle sa business ng ibang tao. Kung anuman ang meron sa kanila basta I wish them luck.”

Ngunit nang matanong si Jodi kung kamusta na ang legalidad ng mga papeles sa annulment case nila ni Pampy, tumanggi nang magsalita ang aktres tungkol dito.