• Home
  • Fresh Scoops
  • Century Superbody 2014 winner Mauro Lumba admits getting indecent proposals

Century Superbody 2014 winner Mauro Lumba admits getting indecent proposals

Mauro Lumba says he immediately refuses indecent proposals because his dignity is more important than money.

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

5/18/2014 1:15 AM
Century Superbody 2014 winner Mauro Lumba admits getting indecent proposals


051814-mauro2_main.jpgSa pagkapanalo ni Mario Lumba sa katatapos lang na Century Superbods 2014 na ginanap sa Boracay, hindi pa rin makapaniwala ang 21-year old model at aspiring actor dito. “It’s a surreal feeling. Hindi pa nagsisink-in sa akin so I am just happy and blessed na nanalo.”

Miyembro si Mario ng NYOBG (Not Your Ordinary Boys and Girls), isang grupo ng mga bagong talents sa ilalim ng Backroom Inc. Inamin ni Mauro na nagkakaroon na nga ng conflict sa pagitan niya at ng NYOBG. “As of ngayon, nagkakaroon ng conflict pero as much as possible kung ano yung mas kailangan kong gawin yun yung gagawin ko with the guidance of Backroom.”

Ngunit paglilinaw ni Mauro na sa pagdating lang sa pagse-schedule nagkakaroon ng conflict at maayos sila ng mga kasama niya. “Wala pa naman pero ngayon kasi like magkakaroon ako ng mga photoshoots. I just have to go to dinner mga ganun with the Century Superbods pero may show pero kailangan kong pumunta mga ganun pa lang naman. Small schedulings pa lang yung conflict.”

Sa katunayan, kwento niya, ang mga kasama niya pa daw sa grupo ang nag-udyok sa kanya na sumali sa kumpetisyon. “Sinabi ko sa kanila I want to join and sinuportahan lang naman nila ako. They pushed me to join and they gave me whatever help they can do and yung support nila sobrang okay sa akin.” 

Sa ngayon ay plano ni Mario na ituloy lang ang kanyang nasimulang pagpasok sa show business. “Hopefull patungo ng showbiz ganyan. Mga shows pero ako I am just trying to be open to the possibilities. I don’t want to look forward na merong ganito, merong ganyan, I am just being open sa kung anong pwedeng mangyari sa akin.


Kung mabibigyan ng pagkakaton, nais na masubukan ni Mauro ang hosting. “Sana as much as possible yung hindi masisira yung katawan ko. Yung parang Marc Nelson type na adventure hosting mga ganun and yun, mga showbiz movies, movies yun ang gusto ko.”

Nais ding masubukan ni Mauro ang paggawa ng indie movies, at nang matanong kung handa din ba siya kung sakaling kailanganin ang pagpapakita ng katawan sa pelikula, “If they’ll allow me okay lang kasi it would help my confidence saka yung training sa acting.”

Photo credit: Century Tuna facebook account