• Home
  • Fresh Scoops
  • Atty Ferdinand Topacio: ‘Naniniwala akong na-rape si Deniece’

Atty Ferdinand Topacio: ‘Naniniwala akong na-rape si Deniece’

Atty. Ferdinand Topacio shares what he knows about the scuffle between Atty. Alma Mallonga and Deniece Cornejo’s grandmother

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

5/17/2014 1:01 PM
Atty Ferdinand Topacio: ‘Naniniwala akong na-rape si Deniece’


051714-topacio_main.jpgNakapanayam ng Bandila si Atty. Ferdinand Topacio, legal counsel ng pamilya Cornejo tungkol sa nangyaring “away” diumano sa pagitan ng lola ni Deniece Cornejo na si Florencia Cornejo at abogado ni Vhong Navarro na si Atty. Alma Mallonga sa hallway ng Taguig Regional Trial Court, May 16.

Ikinwento ni Atty. Topacio na hindi na niya naabutan ang lahat sapagka’t, “nasa bandang gitna na po ng altercation nang lumabas ako kasi part of it I was inside the men’s room.”

Ayon sa kanya,”I was asking them at mga prosecutors ng DOJ ano pong nangyayari.They were pointing to her t-shirt na nakalagay “Justice for Deniece, Jail the Rapist.” Sinisita nila yun na parang naa-agitate daw ang mga prosecutors at si Atty. Mallonga.” Sinabi pa diumano ng isang Atty. Axel Rodriguez na, “she’s just expressing her right to free expression.”

“Pinacify” din diumano ni Atty. Topacio ang kaguluhan. Sa pagkakalam ni Atty. Topacio, pinayagan si Lola Florencia na isuot ang t-shirt sa labas ng korte, pero hindi niya alam kung pinayagan din ito na isuot ang t-shirt sa loob ng korte.

Tinanong din si Atty. Topacio kung paano nila makukumbinse ang korte na nagsasabi ng totoo si Deniece. Sagot ni Atty. Topacio ay, “As far as legal proceedings are concerned,the best way po is yung cross-examination and yung demeanor nila sa witness stand na ma-obserbahan ng hukuman. Eventually lahat ng akusado iuupo (sa witness stand) para ang hukuman ang mag-determine kung sino po ang nagsasabi ng totoo.”

Sa tingin ni Atty, Topacio ay hindi babaliktad si Deniece at tahasan niyang sinabi na naniniwala siyang na-rape si Deniece. Sinabi din niya na, “Palagay po natin e there was injustice here.”

Hindi pa rin daw nila napag-uusapan ng Uncle-Lolo ni Deniece na si Rodrigo Cornejo ang tungkol sa legal fees niya.  At personal matter na raw kung bakit hindi magulang ni Deniece ang humaharap sa mga interviews at ayaw na niyang pakialaman ang desisyon ng pamilya.

Ayon pa kay Atty. Topacio, walang natatanggap na VIP treatment si Deniece. Napakainit daw sa selda nito sapagka’t napagigitnaan ito ng exhaust ng aircon at kusina. Ngunit “still very pretty” pa rin daw si Deniece. Kahit na nahihirapan si Deniece, hindi daw papayag si Deniece na baguhin ang istorya nito kahit ang kapalit pa ay kalayaan nito at pagkawala ng lahat ng kaso.

Sinagot din ni Atty. Topacio ang mga mapanghas na tanong tungkol sa kanya. Wala raw silang relasyon ni Claudine Barretto at ni Bea Binene kundi client-lawyer lamang. Wala rin video na nakunan sila na naghahalikan ni Claudine sa lobby ng isang hotel. At hindi rin niya pinipili ang high-profile cases dahil “I don’t court controversy, controversy courts me.”