• Home
  • Fresh Scoops
  • Rosanna Roces breaks her silence on feud with son Onyok Adriano

Rosanna Roces breaks her silence on feud with son Onyok Adriano

Rosanna Roces admits she got hurt by her son Onyok Adriano’s accusations.

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

5/16/2014 9:11 AM
Rosanna Roces breaks her silence on feud with son Onyok Adriano


051614-Osang_Main.jpgSunod-sunod ang mga kontrobersiyang kinasasangkutan ng aktres na si Rosanna Roces. Diumano’y nadampot siya ng Philippine Drug Enforcement Agency o ng PDEA sa paggamit niya ng bawal na gamot, na itinanggi na rin ng mismo ng mismong ahensya. Ngayon naman ay nahaharap si Rosanna sa mga paratang ng bunsong niyang anak na si Onyok Adriano tungkol sa kanyang ina.

Ilang buwan na ang nakakaraan ng makapanayam si Onyok kung saan isiniwalat niya ang naging dahilan ng pagkakasira ng relasyon niya sa ng kanyang ina. Ilan sa mga bagay na sinabi ni Onyok ay ang diumano’y patuloy na paggamit ni Rosanna ng bawal na gamut at ang paglulustay nito ng pera at ang huli ay ang pagtutol ng ina sa kinakasama niya.

Kaya naman nang makuha ang panig at kamustahin si Rosanna tungkol sa relasyon ng kanyang anak at kung naayos na ba nila ang kanilang gusot, “Hindi, hindi, hindi. Ikaw magiging okay ka ba kapag ganun? Ayoko lang kasi sa batang yan nababayaran. Totoo. So hindi ko pa napanood yung interview kasi alam ko na hindi siya yun.”

Kwento din ni Osang na pinili niyang hindi panoorin ang panayam na yun. “Hindi, kasi alam kong hindi siya yun manipulado siyakasi alam ko naman na kahit anong ganda ng sabihin ko wawalanghiyain niyo din naman ako saka alam ko naman na gagawin ninyo rin naman yan kasi yung unang attempt hindi nila ako na-ano kasi yung mga kulong-kulong issue at alam ko ang isusunod niyo na yung anak ko kasi pupuruhan niyo ako. Sus! Parang iisang libro lang ang binabasa namin pero mas matalino lang ako sa kanila.” 

Dagdag pa ng aktres tungkol sa naging panayam ng kanyang anak, “Alam kong manipulado yan. Kaya nga hindi ako kumibo kasi totoo lahat ng sasabihin ko e ayaw ko naman ipahiya yung anak ko. Tama na yung nangyari pero nasaktan ako bilang nanay niya at mali ang ginawa niya pero bilang ipahiya niya ang miyembro ng pamilya niya anak ko pa rin yan. Alam ko kasing may tao talagang nasisilaw sa salapi pero yung dugo mas matimbang pa rin yan eh.” 

At nang matanong ang aktres kung meron ba sa kampo ng kanyang anak na si Onyok na lumapit na at sinubukang tapusin na ang isyu, “Hindi kailangan ng attempt kasi ako pinapaubaya ko lahat sa Kanya eh. Kasi kahit na anong pilit mo, basta si Lord ang gagawa ng paraan niyan saka alam ko na ano dahil yan ang pinaka-spoiled sa akin kaya kung may nahihirapan man sa aming dalawa hindi ako yun, ‘di ba?”