Komedyana, may amnesia?

BY OGIE DIAZ

FRESH SCOOPS

5/16/2014 2:36 PM
Komedyana, may amnesia?


051614-Ogie.jpgSobrang disappointed ang isang non-showbiz girl na super close sa isang sikat na komedyante. 

Nag-uumpisa pa lamang ang comedienne na ito ay sila na ang magkasama at maging sa mga trips abroad ay madalas din silang magkasama. 

Hindi rin natatapos ang araw noon na hindi sila nagtsitsikahan over the phone o di kaya ay lalabas sila, magba-bar clubbing o kaya ay magkakape lang para lang 
mag-bonding. 

Hanggang sa naging busy sila pareho, kaya isang araw na sila ay magkakatrabaho uli para sa show ni comedy actress ay buo na ang plano ni best friend staff na sorpresahin ang kaibigang artista. 

Kaya eto na. Pagpasok ni Staff sa dressing room ni Comedy Actress ay ine-expect na nito na mapapatalon at mapapatili sa sobrang tuwa ang kanyang kaibigang artista, kaya tuloy-tuloy na siya sa dressing room nito. 

Pagkakita dito ng Aktres, siya naman ay nakangiti na sa artistang ito, sabay dayalog si Aktres na, "Sino ka?"

Baka lang namalikmata si Comedy Actress, "Ako si ______, hello!"

"Hindi kita kilala, sorry."

Parang binuhusan daw ng malamig na tubig ang staff at iniyak na lang ang kanyang encounter sa sikat na kaibigang aktres. 

"Kawawa naman siya, no? Ang sakit non.

Napakasakit, Kuya Eddie.