• Home
  • Fresh Scoops
  • Atty. Ruth Castelo speaks up for client Raymart Santiago against Claudine Barretto

Atty. Ruth Castelo speaks up for client Raymart Santiago against Claudine Barretto

Raymart Santiago’s legal counsel Atty. Ruth Castelo answers allegations made by Claudine Barretto’s camp.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

5/16/2014 9:09 AM
Atty. Ruth Castelo speaks up for client Raymart Santiago against Claudine Barretto


051614-Atty_Main.jpgPinaunlakan ng abogado ni Raymart Santiago na si Atty. Ruth Castelo ang imbistasyon ng Aquino and Abunda Tonight upang sagutin ang mga akusasyon ng kampo ng asawa ni Raymart na si Claudine Barretto.

Dala ni Atty. Castelo ang marriage contract ni Raymart at Claudine para sa unang kasal ng dalawa sa Isabela noong 2004. Ayon kay Atty. Castelo, na-delay lamang ang pag-register ng kasal ni Claudine at Raymart kaya sinasabi ni Claudine na peke ang kasal. Ngunit ang delayed registration diumano “doesn’t make a marriage invalid.” Sa akusyasyon naman ng shooting incident, matapos diumano malaman ito ni Raymart ay tumawag kaagad ang aktor sa mga abogado niya para malaman kung totoo ito, sapagka’t natakot si Raymart para sa kaligtasan ng mga bata ngunit napag-alamang hindi ito totoo.

Sa issue naman ng sinasabing pisikal na pananakit ni Raymart kay Claudine, sinabi ni Atty Castelo na “never” sinaktan ni Raymart si Claudine. Kung emotional na pananakit naman, “maybe during the fights. Of course, it’s natural.” Kung financially naman daw ay, “wala namang findings ng economic abuse against Raymart.” Tanong naman ng host na si Boy Abunda kung malaking dagok sa kanila na umusad ang kaso laban kay Raymart patungkol sa pananakit kay Claudine. Sinagot ito ni Atty. Castelo ng, “hindi naman dagok kasi kapag dinala mo yan sa korte makikita rin naman lahat, kung ano ang totoo.”


Tinanong naman ng host na si Kris Aquino ang tungkol sa mga Louis Vuitton luggage. Nakatanggap diumano ang host ng text message from Claudine at sinabi nito na na “na-hurt” siya kasi parang Kris “doubted” her, kasi may initials naman daw ang LV luggages ng “CBS.” Sagot ni Atty. Castelo, hindi totoong may initials na “CBS” ang mga ito, at kaya nga napawalang sala ang mga katulong ni Claudine na sinampahan ng kasong qualified theft ng aktres ay dahil sinabi diumano ni Raymart na nasa kanya ang tatlong LV luggages. Tig-apat daw ang mag-asawa sa mga LV luggages ngunit ang dinala lang ni Raymart ay tatlo.

Simula August nang magsimula ang mga kaso, ay isang oras pa lang in total  nakikita ni Raymart ang mga bata. Kaya hindi diumano totoo na pinauunlakan si Raymart na makita ang mga ito. Dagdag pa ni Atty. Castelo, “maraming excuses, maraming dahilan kung bakit hindi pinapakita.” Gumawa naman daw ng lahat ng “efforts” si Raymart para makita ang mga bata at ayon pa kay Atty. Castelo, “noong una, the kids were eager to see him, they were looking forward to see him. Kaya lang, siyempre hindi na natin alam ang nangyari in the house, what information were given to the kids so nagbago.”

Totoo raw na nakatanggap ng imbistasyon si Raymart para sa recital ni Sabina ngunit dahil sa paglabas ng mga recent allegations ni Claudine laban kay Raymart, hindi na raw tuloy alam ni Raymart kung sincere pa ang imbistasyon na iyon. May “several offers” din ng financial support si Raymart para sa mga bata “but they were rejected.” 

Willing makipag-usap out of court si Raymart kay Claudine ngunit merong mga conditions si Raymart. Personal diumano ang mga ito kung kaya hindi pwedeng ibahagi ni Atty. Castelo.

Paliwanag pa ni Atty. Castelo, kaya ayaw magpaunlak ni Raymart ng interview ay dahil, “Raymart is a very private person, as much as possible he wants to keep everything under wraps at pagod na ito sa mga ‘lies.’” Kaya naman pinal na salita ni Atty. Castelo on behalf of Raymart ay, “Let’s just stick to the truth; let’s stick to the facts. Sana maayos ang sitwasyon, sana maayos nila pareho and Raymart’s focus is the children, at the moment.”