Sandara Park: ‘I’m still the same Sandara’

Sandara Park says she’s only ‘palaban’ onstage because of their music

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

5/15/2014 10:03 AM
Sandara Park: ‘I’m still the same Sandara’


051514-sandara_main.jpgIsang mahiyain na Sandara Park pa rin ang dumalaw sa Aquino and Abunda Tonight. Mukhang walang nagbago kay “Dara,” kahit na obserbasyon ng host na si Boy Abunda ay mukhang mas palaban na siya ngayon. Ayon kay Dara, “Pero feeling ko wala pong nagbago, I’m still the same Sandara.” Sa stage lang siya diumano “mas palaban kasi ganun yung music namin.”

Hindi maikakaila na malayo na ang nilakbay ni Sandara. Isa na siyang miyembro ng 2NE1, isang sikat na all girls K-Pop group sa Korea. Ayon pa kay Boy at kay Kris Aquino, Sandara is voted most beautiful in Korea at nang pumunta si Kris sa Korea puro posters ni Sandara ang nakikita niya. Sa tanong kung gaano na siya kayaman sinabi ni Dara na, “hindi pa ako masyadong mayaman.” Kung paano naman niya hina-handle ang popularity at success sagot naman ni Dara ay, “Sanay ako na ganito ako since ten years ako.”

Bago marating ni Sandara ang tugatog na kasikatan, ginamit muna niya ang naipon sa Pilipinas. Nai-kwento ni Dara ang dalawang taong rigorous training kung saan tinuturuan silang kumanta, sumayaw, umarte, pati pag-gym at kung anu-ano pa para maging isang K-Pop star. Ayon pa sa kanya, hindi sila binibigyan ng allowance habang nasa training kung kaya nahirapan siya sa dalawang taon na ito. Ngayon din diumano ay kabilang na sa isang sikat na boy band sa Korea ang kanyang kapatid, na noong artista siya sa Pilipinas ay lagi niyang kasa-kasama.

Pero ano nga ba ang beauty secret ni Sandara? Wala naman daw sikreto ang kagandahan niya kundi ang mga “fans at pagiging masayahin.” Ngunit, pinaglalaanan daw ni Dara ng two to three hours a day ang kanyang K-Pop look. Suot niya ang paborito niyang big black hat at may suot din siyang magnet earrings na kinatuwaan ni Kris at Boy na isukat.


“Sobrang na-miss ko kayo,” ang sabi ni Sandara. At ayon sa kanya, marami pa rin siyang friends sa Pilipinas katulad ng mga kaibigan siya sa Star Circle Quest at may mga bago rin siyang kaibigan katulad ni Ryan Bang na ayon sa K-Pop star ay “sobrang bait.” Nangako diumano si Ryan na iti-treat siya ng pagkain sa Pilipinas at pagkatapos ng Aquino and Abunda Tonight e ilalabas siya nito. At kapag name-miss ni Dara ang Pinas ay nanonood siya ng mga tagalog DVD at ang recent na napanood niya ay This Guy’s In Love With You Pare.

Wala pa ring boyfriend si Dara pero sana nga raw ay magkaroon na. Hindi rin daw nanliligaw sa kanya si Lee Min Ho at trabaho lang nang nakahalikan niya ito sa isang commercial. At noong hinalikan naman daw siya ni Justin Bieber e nagpa-picture lang siya sa dito. 

May new album ang grupo ni Dara at marami rin diumano silang surpresa sa kanilang concert sa MOA sa May 17.

WATCH VIDEO HERE