• Home
  • Fresh Scoops
  • Piolo Pascual says that he is never going to be a stage dad to son Iñigo

Piolo Pascual says that he is never going to be a stage dad to son Iñigo

Piolo Pascual says he tried his best to discourage his son Iñigo from joining show business.

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

5/15/2014 10:15 AM
Piolo Pascual says that he is never going to be a stage dad to son Iñigo


051514-piolo_main.jpgSa pinakabagong teleserye ni Piolo Pascual na Hawak Kamay, ang karakter niya ay magiging tagapag-alaga sa apat na bata. Hindi na bago kay Piolo na gumanap bilang isang ama ngunit sa pagtanggap niya sa ganitong klaseng role, natanong siya ng ilang press kung sa palagay niya ba ay kabawasan ito sa kanyang estado bilang isang hunk na pinagpapantasyahan at pinapangarap.

“I don’t think it should diminish your status or whatever just because you are a father with four kids. Wala akong problema sa ganun. It’s kind of overwhelming nung sinabi nila na apat yung magiging anak ko pero okay lang naman, trabaho lang naman at maganda naman yung istorya. I am all for the story, basta alam kong maganda yung konsepto, something different, something new I am all for it. Wala akong problema sa magmumukha kang matanda, I have a 17-year-old son so these are kids, I am okay.”

Nagbigay din ng reaksiyon si Piolo tungkol sa pagpapakasal kamakailan lang ng dati niyang kasamahan sa The Hunks at kaibigan na si Jericho Rosales kay Kim Jones. Masaya si Piolo na lumagay na sa tahimik ang kaibigan, “I am happy for Jericho and Kim, because ang tagal na rin nun. Si Jericho naman naghihintay na lang yan eh, and hindi na rin naman kami bumabata, lahat kami may edad na rin so sunod-sunod naman na siguro yan at sunod-sunod na rin yan. Masyado lang tayong busy sa trabaho pero siyempre yung mga ganyang bagay dumarating at dumarating lang yan sa atin.” 

Kaya naman nang mabuksan ang paksa sa pagpapakasal at paglagay sa tahimik, kailan naman ang panahon na siya naman ang magkakaroon ng pagkakataon. “I hope soon, you know. I promised my son to give more time before he turns 18 which is next year. So hopefully before ako mag-kwarenta makahanap na rin tayo ng pwede nating makasama sa habangbuhay pero hindi naman ako nagpapapressure, masyado akong nasasanay na ganitong buhay na kasal sa trabaho, na on-call na daig mo pa ang doctor na pinapadala ka sa kung saan-saan, para akong social worker so okay naman. Siguro time management kasi mahirap pagsabay-sabayin lahat ng bagay eh so lalo na ako mahilig ako sa pahinga na at least nakakapagpahinga ako kapag walang trabaho at least. If there is nothing o do I’d rather stay home and rest so there is a time of everything.”


Bilang nabukas na rin ang paksa tungkol sa kanyang anak, aminado si Piolo na nais talaga ng kanyang anak na sundan ang kanyang yapak sa pag-aartista. Kwento ni Piolo sa ngayon ay katatapos lamang ni Iñigo na magtanghal ng isang musical sa kanyang eskwelahan at ngayon ay nag-audition pa ito sa isang boy band. “Mas busy pa sa akin yung anak ko. Kagagaling lang niya sa musical, nagmusical siya sa school nila. He auditioned for a boy band and he might get the part and it’s a Christian Boy Band in the States basta ang sabi ko sa kanya as long as it doesn’t get in the way of his education. I made him promise na tapusin mo lang yung high school, yun lang talaga yung deal ko e. Hindi mo naman mapipigilan yan inevitable naman yan eh siya mismo ang nagsabi sa akin na he knows that he is going to follow my footsteps. Ayoko, dinidiscourage ko kasi mahirap ang trabaho… pero wala akong magagawa.”

At kung saka-sakaling magtuloy-tuloy ang career ni Iñigo sa show business, nang matanong kung may posibilidad bang maging stage dad si Piolo, ang mabilis na naging tugon ng aktor, “Hindi, I am not going to be a stage dad. If there is anything that I [would advise] is to rest, huwag mabuburn out, huwag tanggapin lahat ng dumarating. Para sa akin, pacing, balance, and most important pag-aaral. Kasi ang sabi ko artista ka nga pero wala kang pinag-aralan paano ka kapag ininterview ka, ‘di ba? So sabi ko sa kanya it’s better to have something kasi in case… meron kang fallback in case you don’t make it big and you don’t succeed. It’s better to have a degree at kung may pinag-aralan ka kaya mong humarap sa kahit na kanino but I know for sure that I am not going to be a stage dad kasi lalaki yung bata eh hindi naman naman kailangang bantayan yan eh and his mommy is there naman e. His mommy is always around.”