• Home
  • Fresh Scoops
  • Ruffa Gutierrez on her love life: ‘Hindi naman siya dead’

Ruffa Gutierrez on her love life: ‘Hindi naman siya dead’

Ruffa Gutierrez says that her work is her focus, but admits that there is someone who makes her smile.

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

5/14/2014 8:49 AM
Ruffa Gutierrez on her love life: ‘Hindi naman siya dead’


051414-Ruffa_Main.jpgIsa sa mga pinagkakabalahan ni Ruffa Gutierrez ngayon ay ang pelikula kasama si Coco Martin at Sarah Geronimo na Maybe This Time’. Ikwinento ni Ruffa sa Push kung ano ang kanyang gagampanan. “Well siyempre mapapanood at makikilala na nila si Monica and si Monica isang achiever, isang babaeng who knows what she wants. Whatever she wants, she gets. Siguro sinasabi nilang mataray siya at tinatawag siya ng iba, yung officemates niya na itong babaeng ito matapang, mataray pero hindi. She just expresses herself in a different way and ganun talaga kapag isang leader pero in the end masarap siyang magmahal.

Napag-uusapan na rin ang pagmamahal, eksklusibo ding kinamusta ng Push ang lagay ng buhay pag-ibig ng dating beauty queen. “Well, hindi naman siya dead, hindi naman siya buhay na buhay, tamanag-tama lang may nagpapangiti naman sa akin noh? After three years of being lonely, I can smile.”

Ngunit itinanggi ni Ruffa na ang pinopost niya sa kanyang Instagram account na lagi niyang kasama, lalo na sa kanyang mga out-of-the-country travels ay ang lalaking tinutukoy niyang nagpapangiti sa kanya. “Ay wala ang kasama ko bading, sorry ah. Bading ang kasama ko dun and kasama ko yung mga anak ko. I mean I have friends na good looking talaga pero as of now huwag na muna natin ireveal yung mga nagpapangiti sa akin.”

Nilinaw din ng aktres ang kumakalat na mga balitang diumano’y may karelasyon na siya. “Siguro right now ang focus ko is trabaho muna. Siyempre aside from Maybe This Time nandiyan yung It Takes Guts To Be A Gutierrez, napakabusy ng schedule ko. As much as I want to smile because of love, for me love can wait kasi kapag successful ka at marami kang ginagawa sa trabaho mo you radiate this positive energy na yung love lalapit na lang sa iyo.” 

Ibinahagi din ni Ruffa na ang kanyang dalawang anak na sina Lorin at Venice, ay suportado siya sa kung anuman ang kanyang maging desisyon pagdating sa kanyang buhay pag-ibig. “Although si Lorin she sent me a long letter, ang sabi, ‘Mommy as much as I want you to be single forever, naintindihan namin that you know you will end up loving someone, and I don’t want you to grow old alone.’ And iyak talaga ako ng iyak sabi ko nakakatouch naman yung letter ni Lorin. So I cried for one hour, medyo nagbonding moment kami and then sabi naman ni Venice, ‘You know I can’t beat Lorin’s love letter, can I just tell you how I feel?’ Nakakatuwa naman and they are mature kids now they know that I will love again and meron na silang list of qualifications kung anong kailangan kong gawin.”