Young actor pumayag sa isang 'one night affair?'

Ang bidang actor na ito kumanta lang sa fiesta may naka-one night affair na.

BY OGIE DIAZ

FRESH SCOOPS

5/13/2014 2:08 PM
Young actor pumayag sa isang 'one night affair?'


051314-Ogie.jpgAng mga young actors, pag me pa-basketball sa probinsiya, gustong-gusto ng iba sa kanila. Pa'no kasi, kinagabihan, para na silang mga manananggal na "maninipsip" ng dugo ng mga babaing nakaka-eye-to-eye nila sa exhibition game.

Pero itong bidang aktor, iba. Kumanta lang sa fiesta, aba, hindi babae ang kanyang "naka-one-night" affair, kundi isang bading. At ang bading na ito ay ang "pinaka-ama" ng naturang lalawigan na kilala ng mga kababayan nito na siya'y isang bading at hindi nito 'yon itinatago.

Nagkatsikahan si bagets at si "Ama" bago sumalang sa stage ang aktor. At doon ay nagkakuhaan ng number at yun na ang umpisa ng kanilang communication. 

Fast forward: ayon sa aking source, nag-release ng P350k si "Ama" para ibigay ke Guwapong Bagets. Take note, ito'y pagkatapos ng kanilang "one night affair." 

"Nadiligan na naman si Ama, kaya excited na naman siyang mag-isip ng mga proyekto para sa lalawigan. Sulit na sulit daw si Bagets, eh. Ewan ko na kung ano'ng ganap in bed, hahahaha!" 

Wow! P350k, malaking halaga din 'yon. Sa termino ng ibang bading, "Juice ko, ilampung sisid sa lalake din 'yon, huh! Pero sa kanya, isang sisid lang, P350k na agad?" Kaya tinanong kami ng bading na source ko kung, "Wala bang kapatid o kakambal ang bagets na 'yan na ganon din ang itsura, pero mura lang?" 

Gano'n?