• Home
  • Fresh Scoops
  • Raymart Santiago says he is tired of Claudine Barretto’s lies

Raymart Santiago says he is tired of Claudine Barretto’s lies

Raymart Santiago responds through his lawyer and calls Claudine Barretto a liar

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

5/13/2014 8:48 AM
Raymart Santiago says he is tired of Claudine Barretto’s lies


051314-raymart_main.jpgSa ulat ni Marie Lozano para sa TV Patrol, nagsalita na ang abogado ni Raymart Santiago na si Atty. Ruth Castelo kaugnay sa mga alegasyon at pahayag ng asawa ni Raymart na si Claudine Barretto sa exclusive interview nito sa Buzz ng Bayan noong May 11.

Sinagot ni Atty. Castelo ang pahayag ni Claudine na peke ang kasal nila ni Raymart. “Ni hindi namin maintindihan kung papaano sasabihing fake, e kasi ‘di sana sila nagpapakahirap ngayon dun sa mga kaso, wala na tayong iisiping annulment ‘di ba, kung fake yung marriage nila.” 

Isa rin diumanong kasinungalingan ang paratang ni Claudine na ninakaw ni Raymart ang mga ari-arian ni Claudine, at maging ang issue ng banta sa buhay ni Claudine ay hindi raw totoo. “We did our investigation with the barangay office of Malanday where the house is located, and dun sa security group ng LGV (Loyola Grand Villas) and we found out that there is no such thing. No slugs were recovered.”

Pagod na pagod na raw si Raymart sa mga kasinungalingan ni Claudine kung kaya ang abogado na lang nito ang pinasagot sa mga akusasyon ni Claudine. Pinararating diumano ni Raymart kay Claudine, “You are such a liar.”